Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 programa ni Sharon sa TV5, ‘di nag-rate (Kaya natsutsugi agad…)

ANG Confession of A Torpe pala ang kapalit ng na-shelve na The Gift ni Ogie Alcasid at makakasama niya sina Gelli de Belen, Wendell Ramos, Bayani Agbayani, Jojo Alejar, Bibeth Orteza, Mark Neuman, Shaira Mae, Albie Casino, at Alice Dixson mula sa direksiyon nina Soxy Topacio at Topel Lee.

Ang nasabing romantic-comedy serye ang kapalit ng Madam Chairman ni Sharon Cuneta sa TV5 kaya pala paspasan na ang taping dahil sa Marso 3 na ito eere.

Kuwento mismo ng taga-TV5, hindi raw masyadong nagri-rate ang Madam Chairman at in-extend lang ito.

Maging ang The Mega and The Songwriter ay malapit na rin daw mamaalam dahil papalitan naman daw ng dalawang programa na My Pirated Family at drama anthology.

Matatandaang sumama ang loob ni Mega rati sa programa niyang Sharon, Kasama Mo Kapatid dahil hindi ito nagtagal at nagkaroon ng problema sa production.

Mabuti na lang at may kapalit kaagad ang mga programang mawawala ng Megastar.

Ngayong 2014 ay mag-aapat na taon na si Sharon sa TV5 at nakaka-tatlong programa palang siya, “hindi nga sulit, eh, kaya binigyan ulit,” sabi sa amin.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …