Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, ‘di kompormeng mag-artista ang anak

NAPALUNOK na lang si Vina Morales nang sabihin naming mukhang susunod sa yapak nila niShaina Magdayao ang nag-iisa niyang anak na si Ceana na apat na taong gulang na dahil sobrang arte at malapit sa tao.

Hangga’t maari kasi ay ayaw ni Vina na mag-artista si Ceana at magtapos daw muna ng pag-aaral at ‘pag natapos nito ay at saka niya papayagan.

Oo nga naman dahil ito ang bagay na hindi nagawa ni Vina noong nag-aartista na siya, ang tapusin ang pag-aaral kaya aniya, ”sana magtapos muna si Ceana kasi ako noon, gustong-gusto kong mag-aral pero hindi ko nagawa kasi ‘di ba, alam mo naman (breadwinner si Vina noon).

At dahil nangungulit ang bagets habang kausap namin ang aktres ay napansin naming mas kamukha pala ni Shaina si Ceana at hindi si Vina.

“Ha, ha, ha, oo nga, eh.  More on Shaina ang features, maliban sa eyes niya. Pero lahat pati ang kaartehan, hindi ko alam ha, ha, ha,” tumatawang sabi ng singer/actress nang makatsikahan namin sa bagong bukas na Ystilo Salon sa Hemady Square along E. Rodriguez Avenue malapit sa Christ The King.

Samantala, nagtayo ng sariling kids clothing line si Vina na  Kikay ang pangalan na mabibili sa online at si Ceana ang modelo kaya pala mala-modelo rin kung maglakad at magbihis ang bagets.

Kaya bukod sa bagong bukas na Kikay kids clothing line ay bisi-bisihan si Vina sa business nilang pamilya na Ystilo Salon na may 28 branches na mula Cebu, Davao, Bulacan at karamihan dito sa Metro Manila na matatagpuan sa SM Malls.

“We’re open for franchise, Reggs, mura lang, P1.3M lang kompleto na, except for the venue at in six (6) months lang, ROI (return of investment) na,” say ni Vina.

At itong nasa Hemady Square ang pinakabago nilang franchise na pag-aari ni Khaye Santiago na kaibigan niya at si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang special guest sa ginanap na ribbong cutting nito noong Enero 8.

Samantala, puro ngiti lang ang sagot sa amin ni Vina nang tanungin namin siya tungkol sa relasyon nina Piolo Pascual at Shaina.

“Sila na lang ang tanungin mo, Reggs, ayokong magsalita kasi wala rin namang sinasabi sa akin si Shaina, ayokong pangunahan.  Kung ano siguro ang nakikita ninyo, bahala na kayo, pero as of now, wala silang inaamin. Curious nga rin ako, eh,” tumatawang sabi sa amin.

Oo nga naman, lovelife nga ni Vina ay ayaw din niyang pag-usapan, ‘di ba?

“Ha, ha, ha kasi wala naman talaga, kung puwede nga lang bumili na lang ng boyfriend at makakapili pa ako, ginawa ko na,” natawang sagot sa amin.

As of now ay napapanood si Vina sa Maria Mercedes at ASAP 18 sa ABS-CBN at since malapit ng magtapos ang serye ni Jessy Mendiola ay hoping ang singer/actress na mabibigyan siya ulit ng soap drama.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …