Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John, ‘di pa raw nagpo-propose kay Isabel

IDINENAY ni John Prats ang  napabalitang umano’y magpapakasal na sila ng kanyang girlfriend na si Isabel Oli. Wala pa raw sa plano nila ang lumagay sa tahimik.

At paano raw silang magpapakasal gayung hindi pa naman daw siya nagpo-propose kay Isabel? Kung mangyayari naman daw ang proposal ay malalaman naman daw ‘yun ng publiko.

“Malalaman niyo ‘yan. Malalaman niyo naman ‘yan pagdating ng panahon. Ako nga, ‘pag tinatanong ng mga tao sa akin kung kailan, siyempre, ba’t ko naman sasabihin? ‘Di parang nauna pa ang ibang tao kaysa kay Liv (tawag niya kay Isabel). Kumbaga, gusto ko lang maging special ang araw na ‘yon,” sabi ni John.

Bride For Rent,  imposibleng mag-flop

PAGKATAPOS mapanood sa unang movie nila together na naging blockbuster sa takilya, ang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?,  muling mapapanood ang loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim sa latest offering ng Star Cinema na Bride For Rent mula sa direksiyon ni Mae Czarina Cruz na showing na sa lahat ng mga sinehan simula sa January 15.

Dahil nga sa lakas sa takilya ng BHKCNCM, aminado sina Kim at Xian na malaki ang pressure na nararamdaman nila ngayon para sa bago nilang pelikula dahil hindi nila alam kung magiging maganda pa rin ang magiging resulta nito sa takilya. Wish nilang dalawa na sana ay ganoon din ang mangyari, na tangkilin din ito ng publiko.

Maganda at entertaining naman daw ang Bride For Rent na tiyak magugustuhan ng mga tao lalo na ng kanilang mga tagahanga once na mapanood ito.

May dating ang trailer ng Bride For Rent, kaya malaki ang paniniwala namin na pipilahan ito sa takilya. Besides, sa rami ng mga tagahanga nina Kim at Xian na laging sumusuporta sa lahat ng mga proyektong ginagagawa nila, how come na magpa-flop ito?

‘Di ba Tita Ched at Mommy Eva?

Kim, ‘di bastos!

SPEAKING of Kim, sana naman ay tigilan na siya ng kanyang detractors sa pagsasabing bastos siya dahil lang sa naging sagot niya na ”I dont owe you any of our personal lives” nang tanungin siya kung sila na ba ni Xian.

Hindi naman pananaray o pambabastos ang naging sagot niya. Ang gusto niya lang sabihin, kung may lovelife man siya ngayon ay ibalato na lang sa kanya at ayaw niya nang malalaman ‘yun ng publiko gaya noong magkaroon siya ng boyfriend.

Ang gusto niya kasi this time ay magkaroon na siya ng privacy pagdating sa kanyang lovelife. Sabihin na nating namali lang ng choice of words si Kim, pero ‘yun naman ang gusto niya lang talagang sabihin. Besides, nag-sorry na naman siya sa isang interview sa kanya sa TV Patrol kaya sana naman ay tigilan na siya ng mga bumabatikos.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …