BASE sa panayam ni Boy Abunda kay Kris Aquino sa kanyang bahay na napanood noong Linggo sa Buzz Ng Bayan ay ipinaliwanag mabuti ng Queen of All Media kung bakit nanatili pa rin siya sa ABS-CBN.
“I always knew na passionate ang Kapamilya audience but I didn’t realize it was to that extent na parang it was a feeling of a family member walking away.
“Parang sabi ko, teka, noong umalis ako, you yourself said sa show mo na there are no goodbyes. Hindi ko alam kung bakit lahat sila inisip na nila na aalis when all of that, to be perfectly clear, was all speculations.
“I’ll be honest also, super na-appreciate ko ang lahat ng nagsabi sa akin, saan ka man mapunta, tagahanga mo kami and we’ll be there.
“Pero siyempre Boy na-understand ko talaga na kung eleksiyon ito, ‘yung vast majority nagsasabi na huwag ka lumayas, magagalit kami sa ‘yo kung umalis ka,” sabi ni Kris.
At maski na nasa ibang bansa ang Kris TV host ay panay pa rin daw ang tawagan nila ng manager niyang si Deo T. Endrinal para sa negosas-yon ng kontrata nito sa ABS-CBN.
“Tinawagan ako ni Deo (Endrinal) and sinabing okay na. I’m very, very grateful that a very good deal was closed. Siguro kasi rin, parati kong sinasabi na I don’t want to overstay my welcome. ‘Yun ang itinuro ng mom ko na please go while you’re still on top,” katwiran ni Kris.
Ang kapakanan ng panganay na anak ang isinaalang-alang ni Kris.
“At the end of this, when I turn 45 and it’s time to walk away, at least I can do so na sure na sure ang kinabukasan ni Josh. Parati ko ‘yun ine-emphasize na si Bimby survivor, may pupuntahan talaga. Si Kuya ang kailangan kong siguraduhin na kahit anong mangyari sa akin, he’ll be financially stable come what may,”klarong esplika ng TV host.
Kaya sobrang pasalamat ni Kris sa ABS-CBN dahil naintindihan siya at kung saan siya nanggagaling.
“The trust, the respect, the value given to me by my bosses is immense. Nakakataba ng puso,” say pa.
Samantala, malaki raw ang pagbabago sa Kris TV, say mismo ng host, “there will be some innovations sa ‘Kris TV’ and you and me. I should be satisfied with my long-term relationship with you and my audience. Huwag muna ako mag-ilusyon.”
Anyway, matatandaang nagkaroon ng agam-agam ang lahat kung tuluyan nang iiwan ni Kris ang ABS-CBN dahil nga inoperan din siya ng TV5 ng kung ilarawan ng aming source ay ‘langit.’
Klinaro sa amin na kaya pala lumutang ang tsikang lilipat si Kris sa GMA 7 ay dahil nabanggit pala sa kanya na planong bilhin ni TV5 Chairman at Chief Executive Officer Manny V. Pangilinan ang Siete na hindi pa nagkakasarahan ngayon.
“Pero definitely, hindi sa GMA 7 si Kris in case natuloy siyang lumipat sa TV5 dahil wala namang offer sa kanya ang GMA talaga,” katwiran sa amin ng aming kausap.
Sa kabilang banda, ngayong tanghali ang contract signing ni Kris sa ABS-CBN at base sa tsika sa amin ay dalawang taon ito at nakapaloob ang tatlong programa kasama na ang Kris TV, Pilipinas Got Talent, at isang talk show.
Tsika naman sa amin ng taga- production ay ibabalik ang tambalan nina Boy at Kris na mapapanood sa primetime tuwing araw pa rin ng Linggo.
Ang tanong, paano na ang Buzz ng Bayan nina Boy, Carmina Villaroel, at Janice de Belen?
“Actually, matagal na talagang gustong ibalik ang tandem nina Boy at Kris, nabago lang ang plano noong magdesisyon si Kris na magku-quit na siya sa showbiz dahil sa gulo nila ni James Yap. Pero ngayong okay na si Kris, kaya balik showbiz na siya at heto, pipirma nga siya ulit sa Kapamilya,” kuwento sa amin ng taga-production.
Isa pang naulinigan namin ay makakasama na rin si Kris sa mga show sa ibang bansa kasama ang ilang artista ng ABS-CBN.
Reggee Bonoan