Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beki role ni Arjo, iniyakan

BUMILIB kami kay Arjo Atayde, anak ng award winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa episode na Dos Por Dos sa Maalaala Mo Kaya kamakailan. Ginampanan ni Arjo ang papel ni Jess. Isang bading na nagdadamit babae at nagme-make-up ng kaunti. In-short, pa-girl. Nag-live-in sila ni Danny na ginampanan naman ni Felix Roco.

Inampon at kinandili nina Jess at Danny ang mga anak ni Ellen (Assunta de Rossi) na binawi naman ang mga bata nang magkaroon ng lalaking kabit. Maganda ang eksena nang magkaroon ng komprontasyon sina Assunta at Arjo. Hinamak ni Ellen (Assunta) si Jess (Arjo) at sinabing, ”Kahit ano ang gawin mo, hindi ka manganganak dahil hindi ka babae. Isa ka lang bakla! At ang mga bakla, hindi nanganganak!”

Facial reaction lang ang ginamit ni Arjo habang inaalipusta ang kanyang pagkatao. Subdued ang acting niya, kontrolado. Pero ‘pag nasalita siya, madarama mo ang lalim at paninindigan bilang bakla. Lalo na nang dalawin niya sa kulungan si Assunta at ipagbilin pa ang bagong silang na sanggol. Touching ang eksenang ito sa lahat. Nakaiiyak.

Inaasahan sana namin na may love scene between Arjo and Felix pero iniwasan siguro ito ng MMK at baka paghinalaan pa silang nag-a-advocate ng same-sex marriage.

Matatagalan pa raw siguro muna bago tumanggap ng bading role si Arjo, malaki raw talaga ang hirap niya sa episode na ito at talagang iniyakan niya.

Ai Ai, nasira na ang friendship kina Kris at Vice?

PARANG baha ang luhang lumabas kay Ai Ai de las Alas nang ilibing ang kanyang ina, Gregoria de las Alas.  Komplikasyon ng alhzeimer’s disease at cardiac arrest ang ikinamatay ni Aling Gregoria sa edad na 86.

Nagtapat si Ai Ai na kahit ipinaampon siya ng kanyang nanay sa ibang tao noong maliit pa siya, hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya rito. Naiintindihan daw niya kung bakit sa kanilang magkakapatid siya lang ang ipina-ampon.

Usap-usapan ang hindi pagsipot naina Kris Aquino at Vice Ganda sa burol ng nanay ni Ai Ai. Sila pa naman ang tinaguriang “Sisterakas” na ever ang friendship. Pero dahil artista rin, naiintindihan ni Ai Ai kung bakit hindi nagpakita ang dalawang “friendship” niya sa burol ng ina.

Roland Lerum

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …