Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, on-hold muna ang lovelife?!

KUNG may masaya sa isa sa dalawang shows na inilunsad ng Dreamscape Entertainment days ago, walang iba ‘yun kundi ang aktres na si Iza Calzado,

“Ang mga tanong sa akin kasi, bakit ako nawawala. Pero seven months din namin ginawa ang ‘Biggest Loser’ and this month na ‘ata siya ipalalabas. Hindi naman din kasi ako ma-post sa Facebook and  Instagram ko.

“2013 was filled with lots of blessings. At ang biggest surprise eh, itong offer ng Dreamscape na ‘Sana Bukas pa ang Kahapon’. Wala pa ako masyado maikuwento with my character dahil nag-story conference pa lang din kami.

“But compared sa roles na naibigay sa akin noon iba ito in the sense na may pagka-bida-kontrabida. And I’ve been wanting and looking for this type ng character. So, for sure kami ni Bea (Alonzo) ang magba-banggaan.”

At nasa movie rin daw siya nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang  You’re My Home at ang pagsama rin niya sa project nina Richard Gomez at Dawn Zulueta eh, put on hold muna.

Put on hold din muna ba ang plans nila ng kanyang only love na si Ben Wintle?

“Hindi naman put on hold pero wala pa naman sa plans namin. We’re just enjoying each other’s company traveling. I just wish din na my Dad’s here pa dahil siya ang matutuwa talaga for the good things coming my way now.”

So, biggest winner in every aspect of her life ang aktres.

Maricar at Ariel tampok sa special episode ng MMK

THIS Sabado night, watch kayo sa special episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) featuring Maricar Reyes and Ariel Rivera na idinirehe ni Garry Fernando.

Isang guro at guidance counselor ang papel ni Maricar na ang tanging pangarap eh makita ang lalaking mamahalin niya habambuhay.

Smooth-sailing sa simula pero mabubuwag ang magandang pananaw ng karakter ni Maricar sa pinakasalan niya.

Kasi, lilitaw sa bandang huli na may nauna na pala itong pinakasalan at may bunga rin ang kanilang pagmamahalan.

What’s a wife to do?

Tutukan!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …