MUKHANG naglaho na ang pangarap ni Kris Aquino na magkaroon ng sarili niyang network. Kung nagkatuluyan sana ang PLDT at ang GMA 7 ng bentahan, inalok siyang pamunuan ang network. Kaya nga hindi siya nag-extend agad ng kanyang kontrata sa ABS-CBN. Kaya nga may sinasabi siyang “malaking pagbabago”. Eh naudlot na naman ang bentahan, kaya pumirma siya ulit sa ABS-CBN, after all hindi siya makakukuha ng ganoon kahusay na deal kahit na saang network, sa status ng programa niya ngayon.
Eh kung hindi ganyan, nasaan ang sinasabing malaking pagbabagong maaaring makaapekto sa buong industriya na nakasalalay sa kanyang desisyon?
Ed de Leon