Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, iiwan na ang Argentinian BF?

HOW true ang balitang cool-off ngayon ang magdyowang Solenn Heusaff at Argentinian BF nito dahil sa leading man ng dalaga sa multi-cultural romantic comedy na Mumbai Love.

Ang tinutukoy namin ay ang baguhang si Kiko Matos na aminadong na star-struck kay Solenn nang una pa lamang makita.

“Nang una kong makita si Solenn sa audition ay na-starstruck ako sa ganda at kaseksihan niya. She’s a beautiful woman inside and out. I love her as a person,” anang poging actor.

Hindi naman siguro masama sakaling magkagustuhan sina Solenn at  Kiko na sinasabing may good chemistry na namagitan sa set ng Mumbai Love.

Ang Mumbai Love ay naglalarawan sa isang cross-cultural at sexy romantic comedy na idinirehe ng multi-awarded direktor na si Benito Bautista at ipinamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.

Panoorin at kiligin sa bagong tambalang Solenn-Kiko para malaman kung gaano katatag ang pag-iibigan nila laban sa mga sinaunang mga tradisyon at banggaan ng kultura. Palabas ito simula January 22.

Si Solenn, isang Filipino-French commercial and print model, fashion designer, painter, VJ, professional make-up artist, at singer ay isa nang kilalang aktres sa telebisyon at pelikula. Isa siya sa final top three ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa GMA. Matapos iyon ay  pumirma siya ng recording contract sa MCA Universal Philippines. Nagtapos si Solenn mula sa Eurocampus (European International School of Manila), at  saka kumuha ng fashion design sa Studio Bercot, Paris sa loob ng tatlong taon. Nag-aral din siya sa loob ng anim na buwan ng basic beauty/fashion make-up, body painting, at prosthetics sa Ecole Fleurimont, Paris. Si Kiko naman ay isang male model at lumabas na sa mga show na TV Idol: Ur D Man at Till Death Do us Part,ASAP Fanatic/ASAP Manila, Yes, Yes, Show, at Bida si Mister, Bida si Misis. Nakuha niya ang role ni Bam Bonifacio sa Babagwa: A Spider’s Lair ni Direk John Paul Laxamana. May papel din siyang nakuha sa  Sonder na idinirehe ni Ayu Martinez.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …