AMINADO si Robin Padilla na mahina sa takilya ang pelikula niyang 10,000 Hours na kahalok sa ongoing 2013 Metro Manila Film Festival. Kaya naman nakiusap siya sa publiko na sana raw ay panoorin ito. Tulong na rin daw sa dalawang batang producer niya na sina Neil Arce at Boy 2 Quizon.
Sa pagkakaalam namin, dahil humakot ng maraming awards ang 10,000 Hours sa nagdaang awards night ng MFF, marami na ang nanood nito as compared noong una na talagang flop.
Sana nga lang ay mabawi man lang ang puhunan ng producers ni Robin, ‘di ba?
Boy Golden, inisnab ng MMFF board
GRADED A ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Boy Golden: Shoot To Kill na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito na kasali rin sa filmfest.
Ibig sabihin, maganda ang pelikula. Nagtaka tuloy kami kung bakit wala itong nakuha ni isang award sa award sa filmfest. Naawa tuloy kami sa lahat ng bumubuo ng pelikula. Sana man lang ay nabigyan sila ng award, ‘di ba?
TF ni KC sa Boy Golden, ibinigay din sa biktima ni Yolanda
SI KC Concepcion ang leading lady ni Gov. ER sa Boy Golden. At ‘yung talent fee pala niya sa pelikula ay ibinigay niya sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Pero bago pa ito ay nauna nang nagbigay ng P5-M si KC sa victims ng bagyong Yolanda.
Wala kaming masabi sa pagiging generous at matulungin ni KC. Kaya naman sunod-sunod ang blessings na dumarating sa kanya. Hindi siya nawawalan ng projects.
Rommel Placente