Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pedro Calungsod at Kaleidoscope, two days pa lang, tsinugi na

ISANG masagana, payapa, at calamity-free 2014 sa ating lahat!

The annual Metro Manila Film Festival is over.  Ikalawang araw pa lang ay nagkaroon na ng trending as to which of the eight entries was in the lead at kung alin naman ang nangulelat.

Nakalulungkot ding malaman that two days after all eight movies were shown nationwide ay wala na sa mga sinehan ang Pedro Calungsod: Batang Martir at Kaleidoscope World which were at the tail end, respectively.

Pero mas nakaaalarma ang tila inaasahan nang resulta sa takilya with the victorious streak ng pelikula ni Vic Sotto. Taong 2012 noong nanguna ang Sisterakas nina Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai Ai de las Alas na isang walang kawawaang pelikulang isang maliwanag na pag-aaksaya lang ng oras at pera.

History repeats itself via 2013’s top grosser kompara rin lang sa mga entry na mas makabuluhan tulad ng Boy Golden (graded A by the Cinema Evaluation Board) at ngKimi Dora, isang intelihenteng comedy na graded B naman.

Amidst the collective disgust, gusto na lang naming isipin na mas marami sa ating mga Pinoy ang nais na lang tumawa habang nakatitig sa atin ang mukha ng kahirapan, idagdag pa ang sunod-sunod na kalamidad na ating naranasan ng nagdaang taon.

In hindsight, ang masasabing Golden Era ng MMFF ay nasa pagitan ng late 70s at late 80s kung kailan mga de-kalibreng pelikula ang mga kalahok na pinagbibidahan ng mga de-kalibre ring artista.

Over the recent years, wala nang ganitong mga panoorin. Pardon our analogy, sa mga taunang pestibal ay hindi na nawawala ang mga pelikulang basura, pasalamat angMMDA dahil hindi na nila sakop ang paghahakot ng mga ito.

Bangon Kaibigan MTV, angkop na angkop kay Janno

MALA-USA for Africa noong early 80s ang production ng pinagsama-samang Kapuso stars sa Bangon Kaibigan MTV ng GMA. It’s a collective message of national survival amidst successive occurrences of natural disasters.

Si Janno Gibbs ang nasa unang frame, obviously dahil siya ang nag-compose at nagprodyus ng naturang awit. Last frame naman si Manny Pacquiao.

In silence, natawa kami dahil tila angkop din ang pamagat patungkol sa kompositor nitong si Janno in the light of talks about his consistent tardiness in his showbiz commitments due to oversleeping.

Ang sobra-sobra rin kasing oras sa paglalakbay ni Janno sa dreamland ang dahilan kung bakit nawala na sa porma ang kanyang dating pinakaiingat-ingatang pigura. Upclose, mapapansin n’yo that the singer-actor is bursting at the seams.

Kaya sa ‘yo, Janno, bangon-bangon din ‘pag may trabaho.

Walang kaibigan sa ngalan ng Picture! Picture

IMAGINE kung sa isang episode ay mapagsama-sama ang isang “kongresista,” isang hunk, isang modelo, at isang beauty queen, and what do you expect to happen? Isang riotous at masayang palabas!

Trying their luck sa jackpot prize na kalahating milyong piso, magtatagisan sa unang sultada ng Picture! Picture! para sa taong 2014 this Saturday, January 4 sina Ate Glow, Benjamin Alvez, Wilma Doesnt, at Miriam Quiambao.

Sa simula, masasasaksihan ang matinding team work among the four players, but as the game progresses ay magkakanya-kanya na sila until one of them emerges as the winner.

Sa show na ito hosted by Ryan Agoncillo, walang puwang ang isa sa mga 10 Commandments na “Love thy neighbour.” Here, friendship is set aside sa ngalan ng salapi. Sino kaya kina Ate Glow, Benjie, Wilma, at Miriam ang mamamaypay ng mapapanalunang datung habang nakaismid na nakapamewang sa kanyang mga kinabog?

Find out this Saturday pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …