Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balik-tanaw sa taong 2013 sa Gandang Ricky Reyes

BILANG year-ender o pagsasara ng namamaalam na Taong 2013 ay pinili ni Mader Ricky Reyes ang mga magagandang episode ng  Gandang  Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) para ipalabas ngayong Sabado, 9:00 a.m. sa GMA News TV.

Tila rewind na itatanghal ang mga iba-ibang estilo ng damit at accessories sa mundo ng fashion. Ipakikita rin ang iba-ibang gupit at ayos ng buhok na kinahiligan ng mga lalaki’t babaeng Pinoy.

Siyempre, mayroon ding mga pampaganda, pampabata, at pampalusog  na sistemang teknikal. At ang mga ino-offer sa Gandang Ricky Reyes Salon na Magic Eyelash at pelukang gawa sa tunay na buhok ng tao.

Mapapanood din ang mga sikat na celebrities na nag-guest sa GRR TNT tulad ng GMA Primetime Queen na si Marian Rivera, ang mag-inang Maria Isabel at Mara Lopez, ang tinangkilik ng televiewers na tandem na TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Pati na mga finalist ng Ms. Earth Philippines at ang nagwaging 2013 Miss Earth

Nagpapasalamat ang ScriptoVision, producer ng programa, sa patuloy ninyong pagtagkilik kasabay ang pangakong magbigay ng mga makabuluhang isyu tungkol sa kagandahan, kalusugan, at kaunlaran.

Mula kay Mader Ricky, “Manigong Bagong Taon Sa Lahat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …