Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dianne, seryoso sa indie film

SERYOSO si Dianne Medina sa indie film na pinagbibidahan n’ya directed by Bobby Benitez.

Kapareha niya si Leandro Baldemor at kasama sina AJ abellana, Daria Ramirez, at Tommy Abuel Jr. Tampok din si Jeric Vasquez na isang kontrabidang papel.

Nag-shooting sila sa Pangasinan. Masaya ang grupo dahil dati silang magkakasama. Kahit may ibang negosyo, basta showbiz, hindi nila matanggihan. Lalo na si Jeric na nakapagtrabaho abroad.

Anne, ala-Janet Napoles

BAKIT naman kaya humantong sa pananampal si Anne Curtis sa mga kasamahang artista rin? Mayroon bang Concert Queen na ganyan?

At saka sinabi pang bibilhin kahit ‘yung bar na ininuman nila. Mala- Janet Napoles, kung ganoon, very rich!

Wow. Sabi nila, nalasing sa isang basong alak si Anne, kaso nga lang, isang basong tubig na alak yata? Nakalalasing nga.

Moral lesson, drink moderately. Lahat kapag sobra masama!

KC, palaban na!

PALABAN na talaga ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta, na si KC Concepcion!

Hindi ito pumalag noong malamang may kissing kissing s’ya with Gov. ER Ejercito sa movie naGolden Boy.

Hindi na rin nakikialam si Mega, kung ano bang isusuot ni KC sa gagampanang papel.

Dapat kay KC tumulad sa mama niyang maka-masa. Huwag niyang ilagay ang sarili sa isang pedestal, na malayo sa mga tagahanga. Huwag s’yang tumulad sa ibang magpapa-picture lang ang fans, akala mo sumayad na sa labi sa pag-irap! Kung gusto mag-artista, tumuntong sa lupa, ang dapat sabihin sa may ganoong attitude. Ang fans ang nagsusuweldo sa inyo.

Kumusta na kaya si Lucky Manzano, nagpapalipad hangin na kaya?

(VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …