MAGSASAMA-SAMA ang mahuhusay at kinikilalang Pinoy musicians sa limang oras na awitan at tugtugan upang makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.
Ang konsiyertong “Bagong Umaga Bagong Pag-asa” ay gaganapin sa Sabado, Disyembre 14, ika-7 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi sa Pagcor Theater, Casino Filipino Parañaque.
Matutunghayan sa fund-raising concert ang kakaibang pagtatanghal ng mga respetadong Filipino artist na sina Faith Cuneta, Phil. Pop Rock Prince Mark Mabasa Arthur “The Crooner” Manuntag, Classic Diva Fame Flores, Marc ‘Ordinary Song’ Velasco, Jograd Dela Torre, Romy Jorolan, Henry Katindig and Jeannie Tiongco, Darius Razon, Edgar Opida, Bobby Mondejar and Friends, Albert Depano, Jesse ‘Banyuhay’ Bartolome, Atty. Bong Baybay, Gabby Cristobal, Aurora, Beng Karganilla, The Rhythm of 3, Francis Bax, Gene Lucena, Leonard De Leos, Roy Zulueta, Carlo Magno, Lander Blanza and the Northstar Band, Bong Jadloc, Karaoke World Champions JV Decena and Lilibeth Garcia, Pilipinas Got Talent Finalist Lucky Robles, World Competition of Performing Arts (WCOPA) Champions Marielle Mamaclay, Lady Onnagan, Joshua Marquina at iba pang sorpresang panauhin.
Habang magsisilbing hosts sa konsierto sina Ms. Francine Prieto at Mr. Bob ‘Blues’ Magoo.
Ang ticket ay mabibili sa halagang P500 sa entrance ng Pagcor Theater at lahat ng kikitain sa konsiyerto ay agad ipagkakaloob sa Philippine Red Cross (PRC) matapos ang limang oras na pagtatanghal.