Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, ayaw ma-in-luv at ma-involve sa iba (Dahil sa pagiging loyal kay Jake kahit wala na sila…)

SA huling presscon ng pelikula ni Andi Eigenmann ay natanong ito kung type niyang ligawan siya ng lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya tulad ng papel ni Cristine Reyes na naging karelasyon si Gabby Concepcion na halos tatay na lang niya.

Mukhang hindi naman yata sineryoso ni Andi ang sagot niya dahil, “kahit ka-age ko pa, walang puwedeng manligaw sa akin.”

Sabay sabing, “ayokong matsismis, eh. Lagi na lang akong napagbibintangan (na third party). Ewan ko nga ba, nananahimik ako sa sarili kong buhay.”

Sa madaling salita, may trauma ang dalagang ina na parati siyang napagbibintangang mang-aagaw tulad ng balitang inagaw niya si Billy Crawford kay Nikki Gil?

“Wala naman po talagang nangyari sa amin ni Billy. Nasama lang ako sa isyung ‘yun. Alam naman na siguro ng mga tao sa buong buhay ko ‘yung totoo,” katwiran ni Andi.

At kaya naman pala niya sinabing walang puwedeng manligaw ay dahil si Jake Ejercito pa rin ang nilalaman ng puso niya?

“Oo,” mabilis nitong sagot.

Hmm, wala na sila ni Jake, pero nananatiling loyalist siya sa binata maski na nasa ibang bansa?

“Opo. Parati na lang akong pinagbibintangan. Kahit nga single ako, loyal pa rin ako,” say pa.

Samantala, natanong ang aktres kung kaya niyang gawin sa totoong buhay ang ginawa niya kay Cristine na kabit ng daddy niyang si Gabby sa pelikula na tinalakan niya in favor of her mom na si Alice Dixson.

“Hindi ko kayang gawin ‘yun sa isang taong hindi ko kilala,” katwiran ng aktres.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …