Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Hobla’ ng sparkling stars productions may promise

LINGGO, Nobyembre 17, kami’y naimbitahan ng Sparkling Stars Productions para sa auditions at screening ng kanilang pangatlong  indie film “Hobla” ( a Spanish  term which means “guadrangel” o “enclosure”).

Sa male newcomers, may dating sina Jeffrey Dolotino, Jay dela Rosa, Daniel Bato, Levi Prado, Paul Martin Trambolo at Skylester dela Cruz.

Sa female newcomer naman, ay namumukod-tangi sina Joyce Villareal,  Kim Trambolo, at ang Fil-Am na si Kamesh na gusto lang mag-model at ayaw sa showbiz at umarte.

Ipinaglaban namin para sa tatlong male lead roles sa “Hobla” sina Skylester, Jay, Jeffrey at Paul Martin. At sumang-ayon naman ang director na si Edz Espiritu (anak ni Romy) at ang producer na si Johnny Mateo.

Ayon sa director na sai Edz Espiritu, na pamoso sa mga soft porn indies, “Sinisiguro kong mapapansin ito ng LUNA Awards at magiging trend-setter ito sa mga indie films.”

Bigla kong naalala ang tatay ni direk Edz na si direk Romy Espiritu na isa sa kanyang mga obara ang “Modelong Tanso” na tinampukan ng bold star na si Rossana Marquez at Rico Roman.

Pinataob sa takilya ng nasabing bomba film ang mga kasabayan nitong pelikula na nagluklok kay Marquez bilang top money-maker noong panahong ‘yon.

At dito sa “Hobla” inaasahan ng mga producers na sina Johnny Mateo at Shubert dela Cruz na makababawi sila sa kanilang inilagak na puhunan.

***

Punta naman tayo sa isa pang positibo’t naka-iinspirang kwento nang isang araw ay napadalaw sa editorial office ng HATAW, Dyaryo ng Bayan, si katotong Jobert Sucaldito na litaw ang maaliwalas na aura at medyo nagdagdag ng timbang.

Isang maikling kumustahan at bago siya nagpaalam, bumulong siyang pasyal daw ako sa Zirkoh Comedy Bar sa Martes, Nobyembre 26 at doon daw niya iaabot ang kanyang regalo para sa pagdatal ng aking pagka-senior citizen bukas, Nobyembre 23.

At kaya pala nag-aanyaya ang isa sa pinakamatagumpay na showbiz journalist sa local showbiz sa Zirkoh, Morato, birthday concert ng kanyang alagang mang-aawit na si Michael Pangilinan.

Makatawag pansin ang title ng birthday concert ni Michael Pangilinan ang 18 MPH (miles per hour or “millions Philippines”?) , na ang ipinahihiwatig ay 18-anyos lang si Michael.

Ano ito “showbiz age” at may bawas nang konti?

If I remember right, napanood ko na kasi noon sa isang TV show ang nasabing upstart singer, at parang “debutante” na siya at that time. That was about last year 2012. I also saw him perform live at a certain birthday party last year where he was one of the many guests, at mukha na siyang 19 o 20 years old.

Magkagayonman, Michael Pangilinan is a good singer, isang balladeer na maaaring ihanay sa best balladeers ng bansa noon at nga-yon. Ang 18 MPH ang first major conert ni Michael sa ilalim ng management ni katotong Jobert Sucaldito.

With Jobert at the helm, expect a lineup of A-list guest performers na tulad nina Duncan Ramos, Jimmy Bondoc, Luke Mijares, Gladys Guevarra, Willy Jones, Prima Diva Billy, Miss Tres, Chazz and Carlo Aquino.

Salamat Hobert. May your tribe increase.

Art T. Tapalla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …