Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, 2nd choice lang sa Legal Wife? (Si Kristine raw ang unang inalok…)

NAKATSIKAHAN namin ang kampo ni Kristine Hermosa at nabanggit na ang Legal Wife pala ay sa kanya unang in-offer.

Ayon sa taong malapit kay Kristine na kinumusta namin at tinanong kung may plano pa siyang magbalik-showbiz.

“Gusto niya, kaso walang offer pa na gusto niya, actually, ‘yung ‘Legal Wife’, kanya dapat ‘yun, sa kanya inalok para sa kanila ni Echo, (Jericho Rosales) eh, tinanggihan, ‘di ba?” sabi sa amin.

Nagulat kami dahil nang makausap namin ang creative head ng unit nina Des Tanwangco at Ms Malou N. Santos na si Henry Quitain ay para kay Angel Locsin daw talaga ang Legal Wife.

Pero sa narinig naming ito ay second choice pala ang aktres?

Ito pala ‘yung kinuwento rin sa amin dati na may seryeng pagsasamahan sana sina Jericho Rosalesna inayawan ni Oyo Sotto kasi nga may kissing scene dahil nga alam naman ng lahat na first love ni Kristine si Echo.

May panghihinayang din kami kasi magandang project sana ito sa balik-tambalan nina Kristine at Echo pero siguro hindi pa talaga panahon na magsama ulit ang dalawa, puwede siguro kung mga edad 40 na sila, ‘di ba ateng Maricris?

For the record ay sa Nobyembre 18 na raw ito mapapanood sabi mismo sa amin ng taga-Star TV.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …