MATABIL
ni John Fontanilla
DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram.
At ang dahilan ng labi na pagkagalit ni Nadine ay ang pagpatay sa mga ahas.
Sumang ayon pa nga ito at inire-post ang panawagan ng PETA Asia na huwag tangkilikin ang mga luxury fashion item na gumagamit ng balat ng ahas.
“Don’t support this misery. Never buy or wear snakeskin.”
Kinokondena ni Nadine ang karahasan sa mga hayop.
Kaya naman muling sinaluduhan ng netizens ang magandang hangarin ni Nadine na protektahan ang mga hayop.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com