I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya sa India para mag-aral ng yoga.
Ikinuwento ni Beauty sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras na solo flight siyang lumipad para mag-aral bilang bahagi ng pag-distress niya at para na rin sa health niya.
Natapos niya ang yoga classes at certified yoga teacher na si Beauty na gagawin niya rito. Dumating naman noong graduation niya ang kanyang pamilya.
Ang series na kinabibilangan ni Beauty na House of Lies ang isa sa aabangan sa GMA Afternoon Prime na mapapanood din ang pagbabalik ni Kris Bernal.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com