Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Aquino at James Yap, magbabangayan na naman?!

PABIRO lang na sinabi ng ilang mga miron at alaskador sa Facebook na tiyak daw na hindi makatitiis at eeksena na naman si Kris Aquino dahil sa lumabas na balitang magpapakasal na sina James Yap at ang Italian girlfriend na si Michaella Cazzola. Ang 30 year old na Italyanang GF ni James na nagtatrabaho sa Asian Development Bank ay na-misquote kasi na balak na nilang pakasal ni James very soon.

Last Monday ay may pahayag na nga ang kampo ni Kris ukol sa ex-husband niyang PBA star. Pero in fairness kay Kris, sagot lang ito ng abogado ni-yang si Atty. Sigfrid Fortun sa pahayag ng abogado ni James na Si Atty. Lorna Kapunan na hindi raw sinusunod ni Kris ang visitation rights na ibinigay ng korte kay James para sa anak nilang si Bimby.

Nang nag-guest si Atty. Lorna Kapunan kamakailan sa Good Morning Club ng TV5 tinanong siya rito ukol sa visitation rights ni James. Ito ang kanyang sinabi:

“Although I cannot talk about the case, kasi meron kaming gag order e, gusto ko lang sabihin na…I make this an appeal on air na  sana  sundin  naman niya iyong visitation orders because napag-agree na iyan, e.

“Ginawa ngang easy for the son, ano… for both parties and the son to see the father. E, hanggang ngayon, hindi pa rin sinusunod.”

Ayon naman kay Atty. Fortun, ipinag-utos daw ng korte na susunduin ni James si Bimby. Pero wala raw natatanggap na mensahe si Kris mula kay James tungkol sa usaping ito.

Sinusunod din daw ni Kris ang lahat ng nakasaad sa court order at walang intensiyong suwayin ang korte at pagdamutan ang dating asawa na makasama ang kanilang anak.

Anyway, I’m sure na kapag may nagsalita pa sinoman kina James o Kris, tiyak na magbabangayan na naman ang dating mag-asawa at maa-amuse na naman ang maraming Pinoy na mahilig mag-miron.

Kasal nina Maya  at Sir Chief,  parang totohanan!

HALOS parang totohanan daw ang kasal nila ni Sir Chief o Richard Yap, ayon ito kay Jodi Sta. Maria na gumaganap bilang Maya sa top rating TV series ng ABS CBN titled Be Careful With My Heart.

Ayon kay Jodi, parang ang kulang na lang daw talaga ay iyong tunay na marriage contract sa kasalan nilang eere sa Novermber 15.

“Minsan nga sinasabi ko, ‘Naku, kaunti na lang! Papel na lang ang kulang dito!’ Kasi parang totoong-totoo from the rehearsals to the preparations.

“Kung ano talaga ang pinagdaraanan ng isang couple bago sila ikasal, ganoong-ganoon din iyong pinagdadaanan ni Maya and ni Sir Chief!”

Sa panig naman ni Richard, pabiro niyang sinabi na nakakaramdam daw sila ni Jodi ng wedding jitters.

I’m sure na marami ang mag-aabang sa malaking kasalan na ito sa Be Careful With My Heart. At sa mga suki ng TV series na nagsasabing nitong mga huling episodes ay parang lumalaylay ang seryeng ito o nauumay na sila, makababawi sila dahil maraming hatid na pampakilig para sa viewers.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …