RATED R
ni Rommel Gonzales
TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political dynasty o iyong mga namumuno sa gobyerno ay magkakapamilya o magkakamag-anak.
Kaya gusto ni direk Kip na magkaroon ng batas laban sa anti-dynasty.
“Ina-address natin ito sa pelikula, kapag public official ka o contractor o kahit sino ka man, dapat mandatory na transparent ka para sa lahat ng ito.
“Kasi ninanakawan tayo nang ninanakawan ng mga contractor, ng gobyerno, at hanggang ngayon, wala pa ring nakukulong.
“Ang nakukulong lang, ‘yung mga maliliit na bagmen, ‘yung mga small fish.
“But there are the big fish. That’s why we don’t have any accountability for them because there’s no transparency.
“Sunshine policy ang tawag doon sa ibang bansa.
“Kita dapat lahat ng resources, lahat ng pera ng lahat ng mga politiko, lahat ng mga tumatanggap ng pera ng gobyerno. Number one ‘yon.
“Number two, tingin ko, kailangan natin ng mga batas na pipigil sa monopolya ng mga ilang pamilya sa gobyerno natin, so I am very for anti-dynasty law.
“I speak for the whole cast na they would prefer na walang dynasty sa Pilipinas.
“Why? Because when you collect power and put it together in one sector and in one group, what you do is you make it hard to hold those all accountable.
“So if there are people in Congress, in Senate, in local government, at hawak nila ang lahat ng kapangyarihan, hawak nila ang kompanya, ibig sabihin mas mahihirapan tayo to hold them accountable.
“And so, we support anti-dynasty law and stricter, harsher punishment sa lahat ng corrupt.
“Kailangan natin ‘yan kasi mayaman ang Pilipinas, ninanakawan lang tayo.”
Entry sa 51st Metro Manila Film Festival sa December 25 ang Bar Boys: After School na ang mga bida ay sina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, There Malvar, Sassa Gurl, at ang beteranang aktres na si Odette Khan, mula sa 901 Studios.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com