Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janah Kristine Zaplan

Janah Zaplan inilunsad awitin kontra-korapsiyon

PINAGHALONG ispiritwal at panlipunan ang konsepto ng awiting kinanta ni Janah Kristine Zaplan, ang O Panginoon, Pangunahan Mo Ang Pagbabago na nilikha ni Ricky Rivera ng Artikulo Onse Band.

Ipinarinig ng Cum Laude graduate sa Airline International Aviation College ang awiting kontra-korapsiyon na nagpapaalala sa publiko na manatiling vigilant at ‘wag kalimutan ang totoong isyu.

Ani Janah ikinatuwa niya ang pagkapili sa kanya para kumanta ng O Panginoon, Pangunahan Mo Ang Pagbabago.

“Ito ay isang paghingi ng tulong sa Diyos at sa mga tao. Para magkaisa tayong lahat na sana maparusahan ang dapat maparusahan at mabigyan ng hustisya ang mga Filipinong lumalaban ng patas,” giit pa ng 23-year-old singer na isang piloto.

Pagbabahagi ni Janah, nagustuhan agad ng kanyang parents ang kanta nang iparinig sa mga ito at saka ipinasa sa kanya. Nagustuhan din niya ang kanta at humingi muna siya ng blessings mula Star Music bago inirecord ang awitin.

“In-approach nila ako kung okey sa akin ang kanta. If it’s all for the Filipino people, for the country, I would love to do it. Ayoko lang makonek sa kahit anong political affair kasi it’s really hard. But I do have my personal opinions and do have my personal insights regarding what’s going on. 

“Basta ako, what I want to do is to inspired our generations, to make changes, to do actions at have faith na may mababago,” sabi pa ng dalaga na hindi naman aktibista subalit may high opinon sa mga bagay-bagay dahil aniya, “I’m lucky enough na medyo socially aware ako.”

Sinabi pa ni Janah sa media launch ng O, “Maaaring lucky ako bilang isang Filipino ngunit pero ramdam ko talaga ang hirap ng mga kapwa ko Pinoy. Isang privilege para sa akin ang manatiling mulat at gising sa ating lipunan. 

“Sa pamamagitan ng musika, umaasa akong makapag-inspire ng mas maraming tao, hindi lamang sa aking henerasyon, kundi pati na rin sa mga henerasyon sa buong mundo,” wika pa ni Janah.

“Kung hindi tayo kikilos, lulubog na talaga sa baha ng koprasyon ang bansa natin,” sambit naman ni Mr. Ricky ng Impact Publishing.

Aminado si Janah na nahirapan siyang kantahin ang O Panginoon Pangunahan mo Ang Pagbabago, dahil emosyonal ang kanta. “Ang pagkanta ng ganitong genre ay isang bagay na bago sa akin. Medyo nahihirapan ako dahil emosyonal ito. Sana ay nabigyan ko ng hustisya, na may galit. Kasi galit tayong lahat sa mga nangyayari.”

Kung mabibigyan pa ng pagkakataon, sinabi rin ni Janah na gugustuhin niyang kumanta pa ng isa awiting tulad nitong anti-corruption.

“Bukas ako sa mga bagong bagay, hindi lang sa pagkanta, pati na rin sa iba pang mga pagkakataon. Kung ano man ang dumating na swak sa prinsipyo ko, gagawin ko,” dagdag pa ng Cum Laude graduate mula Air Link International Aviation College.

Commercial pilot license ng small aircraft si Janah na muling nag-aaral para maging isang flight instructor na makapagtuturo sa mga upcoming pilot.  

Bagamat aktibo si Janah sa kanyang singing career hindi niya maisasantabi ang pagiging piloto. “Kapag nagpapalipad kasi ako, ang adrenalin it’s really excites me. May isang time na na-scared ako na parang nalula pero na-overcome ko naman.

“Kapag kumakanta naman ako, I feel the happines specially kapag nakikita ko iyong crowd joining me singing my song,” sambit pa ni Janah na ikinokonsidera rin ang pag-arte kapag nabigyan ng pagkakataon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …