RATED R
ni Rommel Gonzales
IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old son na sina Cedrick Juan at Kate Alejandrino.
Paano sila nagkakilala ni Kate?
“Oh, well we know each other for a long time in the industry,” umpisang kuwento ni Cedrick.
“Matagal na rin. We… parang the first time I met her, we had an audition for a short film for QCinema, it was I think mga, 2016.
“It was a direk Janus Victoria Film, ‘yung Viva Viva Escolta, na eventually ang naging kasama ko si Anna Luna and yeah, for that and ‘yun nga, films na… film industry, and also nasa Idea First ako before for five years and may mga ginagawa rin siya na mga Idea First Company film.
“So ‘yun, parang ano na, colleague.”
Ano ang mga traits na nagustuhan ni Cedrick kay Kate?
“I think it’s always about being open sa mga pinag-usapan and not just always being emotional about it.
“Sometimes, minsan kailangan mong gamitin ‘yung brainwaves, not just the emotions. I think it’s always what I really like about Kate, ‘yung ganoong bagay.
“‘Yung parang we can talk things out, na huwag kang mag-hide or mas maganda pag-usapan natin, para mas magkaunawaan tayo, mga ganoon bang bagay.”
Magbibida si Cedrick sa Andoy, isang psychological/torture/horror film.
Nasa pelikula rin sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao, at Aya Fernandez.
Mula sa Wonderlust Films, ang pelikula ay magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com