Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Hidalgo Jeproks The Musical

Jeffrey positibong katanggap-tanggap Jeproks The Musical sa Gen Z

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA panahon ng mga Mllennial at Gen Z na ang hilig ay magbabad online sa pelikula o games, paano makukumbinsi ni Jeffrey Hidalgo ang mga ito na manood ng live na musical play na tulad ng Jeproks The Musical na pinagbibidahan nila ni David Ezra?

“Ako naman, iyon, I think, kung may bago or parang magiging first time ito na panoorin na musical production, pagdating sa mga Gen X, madaling bentahan, kasi kilala na ‘yung Mike Hanopol songs.

“Actually, ang dami nang nagme-message sa akin, ‘Uy, gusto ko iyan ah!’

“Kasi siyempre, Mike Hanopol eh, classic ‘yan, eh. ‘Yung challenge is, iyon nga, to convince the younger generation kung bakit sila manonood?

“I think, iyon nga, feeling ko, may pagka-woke rin ‘yung story, in a way. Kasi maraming messages doon and may message in the story na I think, relevant siya, hindi lang ngayon, pati rin noong time ng 70s.

“So, kumbaga kahit nagbabago na ‘yung times, same pa rin talaga ‘yung sentiments. ‘Yun din ‘yung napag-usapan din, naka-set siya 70s, pero sometimes… ‘wag niyong isipin na parang kailangan era-appropriate ‘yung ginagawa namin doon. Kasi ang gagawin namin magiging mas contemporary ‘yung language, we’re gonna mix it up. 

“Para maka-relate lahat ang iba’t ibang generations.

“May pagka-woke talaga siya eh, because importante rin na parang kahit mayroon tayong mga ideal na inisip, may mga personal opinions tayo, pinaka-importante sa lahat ‘yung pakikinig.”

Ang Jeproks, The Musical ay kuwento ng magkakaibigang Mico (David Ezra), Willie (Jeffrey Hidalgo), at Paulo (Nino Alejandro).

Inspired ito ng mga awitin ng Pinoy rock icon na si Mike Hanopol at mapapanood sa GSIS Theater sa Roxas Boulevard simula ngayong gabi, November 20 to 30, 2025.

Ilan sa hits ni Mike kasama ang The Juan dela Cruz Band ay ang Laki Sa Layaw, Himig Natin, Titser’s Enemi # 1, Balong Malalim, Buhay Amerika, Beep Beep, atmarami pang iba.

Produced ng Tanghalang Una Obra (ni Frannie Zamora na siyang direktor ng musical play) at ng The Hammock Productions, Inc.. Available ang tickets para sa Jeproks, The Musical sa Ticketworld at sawww.ticket2me.net.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …