Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahigit Php 1.5 Milyon pekeng tambutso nakompiska sa Bulacan

Nagsagawa ng buy-bust operation ang CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) kasama ang mga kinatawan ng Mototrend Trading Corporation, katuwang ang CIDG Regional Field Unit 3 at Police Regional Office 3 na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga kahon-kahon ng pekeng “tambutso” sa Bulacan.

Dalawang indibiduwal ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) sa isang bodega sa Barangay Caingin, San Rafael, Bulacan.

Nakumpiska sa operasyon ang 192 kahon ng sinasabing lumabag sa trademark na tubo ng “tambutso” ng motorsiklo na nagkakahalagang PhP 1,552,500.00.

Ayon sa ulat na nakarating kay PMGeneral Robert AA Morico II, ang acting direktor ng CIDG, ang dalawang babaeng suspek, sina “Mitch” 28 taong gulang, at “Prinsesa” 25 taong gulang, mga empleyado ng nasabing bodega, ay inaresto habang nangangalakal at nagbebenta ng mga tubo ng “tambutso” na may tatak na “MT8” – nang walang pahintulot ng may-ari nito.

Binigyang-diin ng direktor ng CIDG na pinoprotektahan at sinisiguro ng estado ang eksklusibong karapatan ng mga siyentipiko, imbentor, artista, at iba pang may talentong mamamayan sa kanilang intellectual property at mga likha, lalo na kung kapaki-pakinabang sa mga tao.

Ang mga naarestong suspek ay kinasuhan sa National Prosecution Service ng mga paglabag sa Seksyon 155 (Paglabag sa Trademark); Seksyon 168 (Unfair Trade Competition); Seksyon 169 (False Designations of Origin; False Description or Representation) ng Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).

Pinuri ni PMGeneral Morico II ang CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (AFCCU) na pinamumunuan ni PLt. Colonel Rafael D Lero at mga joint operating team para sa tagumpay na ito.

Binibigyang-diin niya ang kanilang matatag na laban sa lahat ng paglabag sa batas at pagtataguyod sa mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng bawat may-ari ng kalakalan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …