ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LABIS ang pasasalamat ni Alona Navarro dahil nabigyan siya ng chance na makasali sa TV series ng GMA-7 na ‘Sanggang Dikit FR’ na tinatampukan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Ayon sa sexy actress na napapanood noon sa Vivamax, “Sobrang grateful and thankful po ako… hindi po ako makapaniwala talaga. Kasi, nag-stop po ako nang matagal na hindi gumawa ng sexy films… tapos nabigyan po ako ng pagkakataon sa ganito kalaking project.
“Ito po ang first time na naging part ako ng isang TV show at mainstream TV pa po. Kaya super-thankful po ako talaga sa blessing na ito, nagpapasalamat po ako lalo na po sa manager ko, kay Mami Jo (Jojo Veloso).”
Dagdag pa ni Alona, “Sa Sanggang Dikit FR po, gumaganap po ako as Peach, na kapitbahay ni Tonyo (Dennis) na may crush sa kanya. Actually, kami pong dalawa ni Ayanna (Misola), hehehe.”
Thankful din si Alona dahil humaba pa ang role niya rito.
Esplika niya, “Until now po ongoing, nadagdagan po nang nadadagdagan hehehe.
“Kaya sobrang happy ko po, natuwa po yata sa amin… natuwa rin po kami na marami ang nagta-tag sa amin, kasi napapanood po nila kami sa Sanggang Dikit FR. And nakakatuwa po, nag-trending po iyong sa nawawalang bra scene po namin dito,” nakangiting sambit pa ni Alona.
Saludo rin siya sa husay nina Dennis at Jennylyn.
“Sobrang galing po nina kuya Dennis at ate Jen, kapag nakaka-eksena po namin sila, minsan ay nahihiya kami… Kasi ang galing talaga nila, makikita nyo po talaga na magaling sila na sa mata pa lang po nila, nakikita na agad iyong lalim ng emotions sa acting nila,” pakli pa ni Alona.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com