Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae, may karelasyong high profile politician?!

NAGIGING intense lalo ang mga napapanood na tagpo sa Positive ng TV5 na pinagbibidahan ni Martin Escudero. Tinutukan ang naging test results ni Miles (Malak So Shdifat), ang booty call-slash-play girl na katrabaho ng HIV positive na si Carlo Santillan (Martin) sa call center. Lumabas na negative ang result ni Miles na nagbantang tatalon sa rooftop ng ospital kapag naging positibo ang resulta!

Ang naging biggest twist ng gabing iyon ay nang i-reveal na may anak pala si Miles. Matapos mabuntis ng maaga, kung kani-kanino na nakikipag-sex si Miles dahil naghahanap siya ng atensiyon at pag-ibig mula sa mga lalaki.

At ngayong Huwebes, ipakikilala na ang karakter ni Maricris, isang self-proclaimed cougar na gagampanan ni Rufa Mae Quinto. Nakilala naman siya ni Carlo sa internet. Kahit asawa siya ng isang high profile politician at nanay na, hindi ito nagpapigil at game na game makipaglaro ng apoy kay Carlo.

Maiinit daw ang mga eksenang mapapanood kina Rufa Mae at Martin  tulad ng kanilang sex scene sa bath tub na napabalitaang natuhod ni Rufa Mae si Martin sa kanyang maselang bahagi.

Samantala, unti-unti na ring naghihinala si Janis (Helga Krapf) sa ikinikilos ng kanyang asawa. Nanlalamig na kasi ito sa kanya at natututo na ring magsinungaling. Mas lalo pang nagduda si Janis nang makita niya ang mga pag-uusap nina Maricris at Carlo sa Facebook.

Ano ang gagawin ni Maricris kapag nalaman niyang HIV positive si Carlo? Siya nga kaya ang nakahawa kay Carlo? Ano ang mahalagang impormasyon tungkol kay Carlo ang itinatago ni Maricris? Ano ang gagawin ni Janis sa kanyang naglilihim na asawa?

Ngayong Huwebes huwag pahuhuli sa mas umiinit na mga tagpo sa Positive, 9:00 p.m. sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …