MATABIL
ni John Fontanilla
A star is born sa katauhan ng 14 taong gulang na taga-Valenzuela City, si Rouelle Cariño na clone ni Matt Monro.
Hindi man naging big winner sa Eat Bulaga Clone of the Stars ay minahal at nakuha naman nito ang puso ng netizens at laging inaabangan ang kanyang performances.
Tsika ni Roulle, “My victory is not the only one to be celebrated, but of course the victory of the other contestants.”
Anyways, itinanghal na 2nd placer si Rouelle at nag-uwi ng P50K at Dabarkads choice na tumanggap ng P20K kaya naman nakapag-uwi ito ng P70K.
Kuwentoni Rouelle nang mag-concert ito sa EB stage, kinontak siya ng mga anak ni Monro at sinabing ka-boses siya ng daddy nila.
Iba talaga magpasikat ang Eat Bulaga. Ilan nga sa pinasikat ng Eat Bulaga sina Ice Seguerra, Maine Mendoza, Alden Richards, Ryza Mae Dizon, Sex Bomb Girls, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at ngayon nga si Rouelle.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com