KINILALANG muli ang galing ng Pinoy, ito’y sa katatapos na ContentAsia 2025 Viewers’ Choice Awards sa Taipei, Taiwan noong September 4.
Itinanghal na Favorite Actor at Favorite Actress sa ContentAsia Awards 2025 sina Paulo Avelino at Kim Chiu.
Kasama ni Kim sa spotlight bilang Favorite Actress sina Rachanun Mahawan ng Thailand, Jesseca Liung Singapore, at Arabella Ellen ng Malaysia.
Si Paulo naman ay kahanay ng mga Favorite Actor ding sina James Seah ng Singapore, Panitan “Mickey” Budkaew ng Thailand, Oka Antara ng Indonesia, at Everetts Gomes ng Malaysia.
Pumatok ang tambalang KimPau sa 2023 hit series na Linlang na sinundan ng pelikulang My Love Will Make You Disappear.
Nominado rin si Kim sa ContentAsia Awards noong nakaraang taon para sa kanyang role sa Linlang. Dito rin sa proyektong ito kapwa nominado ang dalawa sa Seoul International Drama Awards na naiuwi ni Kim ang tropeo.
Hinirang ding Silver Champion for Best Actress in a Series sa TAG Awards Chicago si Kim.
Muling mapapanood ang tambalang KimPau sa romance-suspense seris na The Alibi.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com