NAKU, kinikilig na ang mga KathNiel fan!
Kasi nga, nagpaplano na si Joaquin (Daniel Padilla) na magtapat na ng kanyang saloobin sa kanyang kababatang si Chichay (Kathryn Bernardo) sa mga mapapanood na mga eksena nila saGot To Believe this week sa ABS-CBN.
Ito ang palabas na hindi na binibitiwan ng mga manonood. Pati mga lolo at lola at mga magulang ng mga KathNiel fan, stays glued na rin to their TV sets kapag oras na ng Got To Believe. Kasi, hindi lang ang ikot ng love story nina Joaquin at Chichay ang binabantayan nila. Marami rin kasi ang nakare-relate sa love story ng mga magulang nila.
Sa mga linyang binibitiwan ng dating magkaribal na sina Carmina Villarroel at Manilyn Reynes kay Ian Veneracion sa mga katauhan nila—may kurot sa puso ang bawat sitwasyon ng isa’t isa.
Ibang take naman ito sa paghaharap o pagsasama ng dating magkasintahan at ng mga bagong dumating sa mga buhay nila.
Light romance with kilig factor kina KathNiel at mga lesson learned naman sa mga kasama pa nila na sumusuporta sa kanila.
We’ve got to believe in something…and this program shows us how.
Pilar Mateo