Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halaga ng katapatan, ibibida ni Honesto

NAPAPANAHON ang bagong teleseryeng mapapanood ngayong Lunes ng gabi, angHonesto dahil gabi-gabing ipaaalala nito sa sambayanan ang kahalagahan ng katapatan.

Tamang-tama ito sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa ngayon. Kumbaga, pampagising ito sa bawat isa.

Ang Honesto ay iikot sa istorya ng batang si Honesto (Raikko Mateo), ang bunga ng pagmamahalan nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Dahil sa kakaibang katangian na taglay ng pamilya ng kanyang ina, namana ni Honesto ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing siya ay nagsisinungaling.

Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo?

Pagbibidahan rin ito ng award-winning and seasoned actors tulad nina Eddie Garcia, Janice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, atJoseph Marco. Ipinakikilala rin ang pinakabagong Kapamilya child star na si Raikko.

Kokompleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna Agoncillo. Kasama rin sina Maricar at Spanky Manikan para sa kanilang natatanging pagganap.

Ang Honesto ay idinidirehe nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor. Ito ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na May Bukas Pa at 100 Days To Heaven, phenomenal teleseryeng Walang Hanggan, at ang  katatapos lang na Juan dela Cruz.

Litrato ng katapatan, panawagan ng Honesto

Nagsimula na kamakailan sa social media ang panawagan para sa katapatan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato ng iba’t ibang personalidad na naka-pose katulad ni Honesto at pag-post nito sa Facebook fan page ng programa sa Facebook.com/Honesto.TV. Ang mga manonood na nais sumuporta sa panawagan ni Honesto ay maaaring makisama sa nasabing kampanya.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng kuwentong tapat at totoo, Honesto ngayong Lunes na pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Honesto” sa http://facebook.com/Honesto.TV at www.twitter.com/Honesto_TV.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …