Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toda Max, papalitan na ng show nina Lloydie at Toni

FINALLY, inamin na rin ni Direk Malu Sevilla na mawawala na ang Toda Max nang makausap namin kahapon.

Ilang beses na kasing nasulat na ang bagong sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ang papalit sa Toda Max, pero ilang beses din itong itinanggi sa amin nina direk Malu at executive producer ng show na si Rocky Ubana.

Ani direk Malu rati, ”lagi namang sinasabing mawawala na, pero nandito pa rin kami at nagte-taping. Ganyan talaga Reggs, ‘pag may bagong show, sinasabi mawawala na ‘Toda Max’, hintayin na lang natin kasi wala naman sinasabi ang management.”

Ganito rin ang sinasabi ng EP ng show na si Rocky, ”mataas ratings namin, maganda ang pasok ng sponsors at walang sinasabi ang management, sanay na kami na sinasabing mawawala na, heto pa rin kami.”

At heto, sa Nobyembre 16, Sabado na ang airing ng sitcom nina Lloydie at Toni.

Kaya tinext namin si direk Malu tungkol dito at tumawag naman kaagad, ”yeah, sinabihan na kami ni Ms Linggit (Tan) noong nag-taping kami for Halloween, nandoon yata kayo or nakaalis na kayo?”

Bakit nga ba tatanggalin ang Toda Max, eh, maganda naman ang feedback at maganda rin ang pasok ng sponsors?

“Eh, ganoon talaga kasi let’s admit na hindi na buo ‘yung original cast, nawala na si Robin (Padilla), nawala pa si Pokie (Pokwang), so naiba na talaga ang kuwento.

“Kumbaga, maski na anong gawin mo, paulit-ulit na lang ang kuwento, kaya kumbaga wala ng mababago, so iyon na ‘yun,” paliwanag mabuti sa amin ni direk Malu.

Tinanong namin kung anong bagong project ng grupo ni direk Malu.

“We’ll be having meeting with Ms Linggit next week bago kami mag-last taping day (November 5), kasi November 7, alis na ako (magbabakasyon sa Amerika),” sabi sa amin.

Samantala, tinext din namin si Ai Ai de las Alas tungkol sa nalalapit na pagkawala ng Toda Max at sabi nga niya, pinuntahan sila ni Ms Linggit  sa nakaraang taping na ginanap sa Speaker Perez.

“Sanay naman akong nawawalan ng show, pero siyempre minsan, naha-hurt din ako, sanay naman ako sa pain. Pero okay lang ako,” ani Ai Ai.

May birthday wish si Ms A, ”sana magkaroon ako ng sarili kong show.”

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …