MATABIL
ni John Fontanilla
IPINAGPAPASALAMAT at ipinagmamalaki ni Ruru Madrid ang pelikulang Green Bones ng GMA Films.
Hindi lang na-challenge si Ruru, kundi marami siyang natutunan.
Anito sa Facebook post: “Isang pelikula na habang-buhay kong ipagpapasalamat—at ipagmamalaki ko kahit kanino.
“Mga Kaibigan… Green Bones is finally streaming worldwide on Netflix. 🌍🔥
“Tanong ng pelikula:
Ipinapanganak ba ang tao na mabuti? O halang ang bituka?
“At kung may natutunan man ako sa buong journey na ’to—
“May choice ka.
“Piliing maging mabuting tao.
“This film didn’t just challenge me… it changed me.
“Kaya ngayon, buong puso kong ibinabahagi sa inyo ang proyektong ’to.
Sana mapanood niyo, at sana may maiuwi kayong aral—tulad ng naiuwi ko.
“Para sa sining. Para sa bansa.
At para sa ating lahat na pinipili pa ring maging mabuti sa mundong ito.
“Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta—ngayon pa lang, ramdam ko na kayo. 🙏
“Tag niyo ako pag napanood niyo ah. ♥️
#GreenBones
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com