MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagmamahal sa kalikasan, ang pagmamahal naman sa mga hayop lalo sa aso’t pusa sa Isla ng Siargao ang pinagkakaabalahan ni Nadine Lustre.
Kaya naman sa June 8 ay muling tatakbo si Nadine kasama ang boyfriend na si Christophe Bariou.
Hinihikayat nga ni Nadine ang kanyang mga tagahanga at mga kaibigan na sumuporta at lumahok para makalikom ng sapat na pondo na gagamitin sa pag-spay at pag-neuter sa mga aso. Ito ‘yung surgical removal ng reproductive organ ng mga aso at pusa sa isla.
Nangako naman ang mga follower at mga kaibigan ni Nadine na full support sila sa adhikain ng aktres at sasamahan siyang tumakbo sa Siargao.
Last year ay tumakbo sina Nadine at Christophe na umabot ng 300 runners ang sumali sa kanilang kaparehong fun run at nakapag-spay at neuter sila ng 200 hayop.
Umaasa nga si Nadine, organizers ng worthwhile event na dodoble at mas marami ang makikilahok sa kanila ngayong taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com