MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI na nga naiwasan pang sumabak sa pag-arte ang celebrity businesswoman and philanthropist na si Cecille Bravo, dahil pagkatapos mapanood sa pelikulang Co-Love, muli itong mapapanood sa advocacy film na Aking Mga Anak ng DreamGo Productions at sa direksiyon ni Jun Miguel.
Gagampanan nito ang role na si Aling Asaph, masungit pero may ginintuang puso na may mga pinarerentahang bahay at maraming inaalagan at pinag-aaral na bata.
Kuwento ni Ms Cecille, very challenging ‘yung role na ginagampanan niya sa Aking Mga Anak.
“Very challenging ‘yung role ko sa movie, masungit ako riro, pero bago matapos ‘yung movie may twist at ‘yun ang dapat abangan ng mga manonood,” wika ni Ma Cecille.
Dagdag nito, “Noong ginawa ko ‘yung movie na ‘Co-Love’ sabi ko okey na ‘yun nasubukan ko na ‘yung umarte sa pelikula, at natuwa naman ako kasi marami ang pumuri sa acting ko sa movie.”
Pero pagkatapos ipalabas ay nagsunod- sunod ang movier offer nito.
“After ‘Co-Love’ may mga nag-offer sa akin to do another film, pero ‘di ko tinatanggap.
“Pero nang i-offer sa akin ‘yung ‘Aking Mga Anak’ at nabasa ko ‘yung script at ‘yung role na gagampanan ko napa-oo ako. Kasi ang ganda ng story ng movie at very challenging ‘yung role ko, at maganda ‘yung message ng movie na gusto iparating sa pamilyang Filipino.
“Hopefully maraming Filipino ang makapanood dahil maganda talaga ‘yung movie at may mga aral na matututunan.”
Makakasama ni Ms Cecille sa pelikula sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Ralph Dela Paz, Prince Villanueva, Sarah Javier, Klinton Start, Jace Salada, Toni Co, Art Halili Jr., Madisen Go, Candice Ayesha, Andrea Go atbp., sa panulat at direksiyon ni Miguel na siya ring direktor ng awardwinning children show na Talents Academy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com