MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKAGALING ni Direk Laurice Guillen bilang Milagros/Lola Bona, isang avid fan ng nasirang National Artist at Superstar Nora Aunor sa pelikulang Faney na hatid ng Frontrow Entertainment, AQ Films, Noble Wolf & Intele Builders sa direksiyon ni Adolf Alix Jr..
Bukod kay direk Laurice magaling din sa kani-kanilang role sina direk Gina Alajar bilang Babette, Beatrice/Bea na ginampanan ni Althea Ablan.
Agaw eksena naman ang portrayal ni Roderick Paulate bilang si Pacita M.
Kasama rin sa movie sina Bembol Roco bilang Edgar, Ian De Leon as himself, Perla Bautista as Lola Flor, Angeli Bayani as Daughter of Lola Cely, Bianca Tan as Amy, at ang grupong Bilib.
Ang pelikulang Faney ay tribute ni RS Francisco sa nag-iisang Superstar na minsan nitong nakasama at nasaksihan ang pagiging mabuting tao at generous sa kanyang fans.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com