MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG napakagandang tula ang ginawa ng award winning actress at director na si Gina Alajar.
Bago nagsimula ang pagpapalabas ng movie ay binasa muna ni Direk Gina ang tula, na naglalaman ng pinagsama-samang iconic films ng nag-iisang Superstar at National Artist, Nora Aunor.
Hindi naiwasang mamangha at maging emosyonal ang mga Norranian sa napakagandang tulang ginawa ni Direk Gina, kaya naman umani ito ng malakas na palakpakan.
Sa tula, inilarawan ni Direk Gina si Ate Guy bilang, “Isa siyang alagad ng katotohanan, tapang, at giting.
“Isang tagapagsalaysay ng ating kuwento. Sa kanya, tayo ay naging totoo.
“Tahimik na ngayon ngunit hindi siya nawala sapagkat ang kanyang liwanag sa langit ay sumiklab.
“Hindi siya nagpaalam, at naging bahagi ng ating alaala.”
Ginagampanan ni direk Gina ang character ni Babette na anak ni Lola Bona sa pelikulang Faney, isang tribute movie para kay Nora.
Ang Faney ay tungkol sa pagiging diehard Noranian ni Milagros/ Lola Bona na ginagampanan ni Direk Laurice Guillen na hanggang kamatayan ni Ate Guy ay nanatiling solid Noranian.
Kasama rin sa movie sina Althea Ablan bilang Beatrice/Bea, Roderick Paulate bilang Pacita M,
Bembol Roco bilang Edgar, Ian De Leon as himself, Perla Bautista as Lola Flor, Angeli Bayani as Daughter of Lola Cely, Bianca Tan as Amy, at ang grupong Bilib.
Hatid ng Frontrow Entertainment, AQ Films, Noble Wolf & Intele Builders and Development Corporation ni Ms Cecille and Pete Bravo ang pelikulang Faney at idinirehe ni Adolf Alix Jr.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com