MATABIL
ni John Fontanilla
LABIS na ikinatuwa ng mga netizen ang post ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram ng mga larawan nila ni Kathryn Bernardo na kuha sa pictorial ng kanilang bagong endorsement.
Ang nasabing mga larawan na magkasama sila ni Kathryn ay nilagyan ng caption na, “So happy to be standing beside fellow queens as we welcome a new era with @creamsilkph-one that’s all about realness, self-love, and women showing up for each other. Here’s to every woman stepping into her own light. Launching soon!”
Ilan nga sa naging komento ng netizens ang sumusunod.
“Historic”
“OMG My Favessss”
“Queensss”
“Movie Together Pleaseeee”
“Sana may movie magkapatid kasi nagka hawig naman”
“Movie together”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com