Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nicole Al Amiier Marco Masa Andres Muhlach

 Newbie actor pangarap makatrabaho sina Andres at Marco

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang  young actress na si Nicole Al Amiier na isa sa host ng award winning children show, ang Talents Academy at isa sa ipakikilala sa advocacy fim na Aking Mga Anak ng DreamGo Productions sa direksiyon ni Jun Miguel.

Kuwento ni Nicole, “Napasok ako sa movie na ito because of Direk Jun (Miguel) binigyan niya ako ng opportunity. That’s why thankful ako kay Direk Jun.

“Because if it wasn’t for him hindi ako makakasama sa movie, so thank you so much direk Jun.”

Dagdag pa nito, “Ako po dito si Mary kapatid ni Esther and pamangkin ko rito sina Pauleen at Gab. Ako po rito ‘yung mabait na klase ng tita, you know everything revolves sa personality ko  na relying everthing to God.”

Nakare-relate si Nicole sa kanyang role sa movie in real life.

Kasi like Mary I also pray every night, and close ako kay God.”

At sa pagpasok niya sa showbiz ay sarili niyang kagustuhan dahil bata pa siya ay dream na niya mag-artista. 

Ako po mismo ang may gusto na pumasok sa showbiz, kasi eversince passion ko na talaga ang acting at gusto ko talagang maging artista.

“Bukod po sa acting hilig ko ang sports and music, marami akong ginagawa. Sa bahay I played six instruments and sa sports nagta-Taekwando at football ako.

Nagho-host din ako. Parte ako ng ‘Talents Academy,’ that’s why I thank God kasi binibigyan ako ni Lord ng ganyang opportunity.

“Very grateful ako kay God na ibinibigay niya ang lahat ng ito para ma-experience ko ang nae-experience rin ng ibang teenagers.”

Idolo ni Nicole ang content creator na si Ivana Alawi gayundin sina Jeric Raval, Marco Masa, at Andres Muhlach.

Gusto ko sila ma-meet at makatrabaho.”

Bukod sa paggawa ng pelikula ay pangarap din ni Nicole na mapasama sa teleserye at makatrabaho ang kanyang mga paboritong artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …