Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Art Halili Jr.

Theater actor Art Halili Jr  naging inspirasyon si Ate Guy

MATABIL
ni John Fontanilla

MASUWERTE ang dating theater actor na si Art  Halili Jr. dahi minsan nitong nakatrabaho ang  Superstar Nora Aunor bago namatay.

“Dati akong theater actor sa UP diliman, from theater napunta ako sa paggawa ng pelikula  at telesrye.

“Napakasuwerte ko kasi nakatrabaho ko ang nag-iisang Superstar Nora Aunor bago siya namatay, naging handler niya ako fOr 5 years.

“Sobrang bait ni Ate Guy at napakahusay na artista, isa siya sa inspirasyon ko pagdating sa pag arte.

“Naka-work ko na rin sina  Gina Pareno, Lance Raymundo, Glenda Garcia, Dexter Doria, Coco Martin, at Sharon Cuneta.”

At ngayon nga ay kasama rin ito sa advocacy film na Sa Aking Mga Anak ng DreamGo Productions.

” At ngayon naman ginagawa ko ‘yung advocacy film na ‘Sa Aking Mga Anak, ni Direk Jun (Miguel), bale ginagampanan ko ang role ni Peter na friend nina Noah, Esther, at Israel played by Hiro (Magalona), Natasha (Ledesma) and Mark. 

“Napakaganda ng movie, maraming matututunang aral at mahuhusay ‘yung mga artista.”

Ilan nga sa mga nagawa nitong pelikula ang Thanks for the Broken Heart, Mano Po 1 and 2, Maalala Mo Kaya: The Movie, Petrang kabayo, Ninoy, at Ang Tanging Ina.

Bukod sa pag-aartista ay isa rin itong influencer and ambassador ng Royal aesthetics, Realms skin care, Mosbeau, Smile 360 Dental Clinic, Yum Yum Dog Food, Finncotton, Sakura Lounge Ph, Mang Inasal, ExtensionsHub, Pag-ibig, at TM.

At kahit nga abala ito sa trabaho ay hindi niya napapabayaan ang kanyang anak na may mild autism.

Despites of my busy schedules, hands on ako sa mga therapy ng anak ko at school na isang Ausome son. 

“May mild autism siya he’s 7 years old na po and high functioning, naging valedictorian last year fromPrep and now hes grade 1 na,” ani Art.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …