Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pakikipaghalikan ni Meg kay Matteo, ikinagalit ng fans

DAHIL nauna pang halikan ni Matteo Guidicelli si Meg Imperial kaysa kayAndi Eigenmann sa Galema: Anak ni Zuma ay bina-bash na siya.

Say ni Meg sa pocket interview bilang isa sa Viva’s Rising Beautieskasama sina Yam Concepcion at Danielle Castano ay nagalit daw sa kanya ang Mat-Di (Matteo-Andi) fans pati na rin ang Ash-aMatt (Sarah Geronimo-Matteo) dahil sa kissing scene nila ng aktor.

“Yes, na-bash ako agad-agad,” say ng dalaga.

“May gumawa rin kasi ng page ng Meg and Matt (social media), pero nagkaroon sila ng (reactions) na parang huwag daw ipilit.

“Nainis kasi sila dahil ako ang unang naka-kiss kay Matt sa ‘Galema’ instead of Galema (Andi). Parang ‘yun ang ikinainis nilang lahat,” kuwento ni Meg.

At deadma naman si Meg dahil, ”tumatawa lang ako kasi effective si Gina (karakter niya sa Galema).

“Effective ‘yung character ko. May mga name-mersonal din pero para sa akin, ikinatutuwa ko kasi galit sila kay Gina, ‘yung character ko.

“Eh what if tumodo pa ng pagkokontrabida si Gina. Ngayon pa lang, medyo apektado na sila eh medyo mabait-bait pa siya,” pagkukuwento pa ng aktres.

Pero minsan ay sumasagot na ang aktres sa bashers lalo’t personalan na ang tira sa kanya.

“Pero ‘yung sagot ko naman, parang gusto ko lang ipaintindi na trabaho lang naman ang ginagawa ko at hindi ko naman pinepersonal si Matteo,”aniya.

Bumalik ng ABS-CBN si Meg na nanggaling ng TV5 na naging regular sa Midnight DJ ni Oyo Sotto, napasama sa Bagets, Driver Sweet Lover at iba pang programa ng nasabing network.

Naging maganda ang pagbabalik ni Meg sa Dos dahil pinapirma siya ng 2-year-exclusive contract at isa pang ikinatuwa niya ay makakasama niya sa pelikula si Jericho Rosales, ang ABNKKBSNPLAko na nakatakdang ipalabas sa 2014 mula sa direksiyon ni Mark Meiley.       (reggee banoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …