Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino Inumerable sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships na ginanap noong 25-27 Abril 2025 sa Holiday Inn Chicago North Shore sa Evanston, Illinois, USA.

Natapos ng taga-Balayan, Batangas na si Inumerable ang limang-round Swiss system competition na may 4.0 puntos mula sa tatlong panalo at dalawang tabla, pareho sa puntos ng kapwa Filipino na si FIDE Master Camilo Pangan at Candidate Master Glen Gratz.

Matapos ang tie break points, si Inumerable ang nagkampeon, si Pangan ang pumangalawa, at si Gratz ang pumangatlo.

Tinalo ng nakabase sa Chicago, Illinois na si Inumerable si Bill Smythe sa unang round at si James Abbott sa ikalawang round.

Tabla siya kay Gratz sa ikatlong round, tinalo si Steven J. Szpisjak sa ikaapat na round, at tabla kay Pangan sa ikalima at huling round.

Binabati ng dating Illinois State Senior Champion na si International Master Angelo Abundo Young ang kanyang dating kasamahan sa koponan na mga Pinoy (Inumerable at Pangan), na kumakatawan sa Chicago Midwest team noon.

“Si Flor (Florentino Inumerable) gaya ng tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ay isang peso champion at isa sa mga highlight ng kanyang karera ang pagtalo kay International Master Georgi Orlov sa isang klasikal na estilo,” paggunita ni IM Young, head coach ng Emilio Aguinaldo College, Manila Campus. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …