Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABIL
ni John Fontanilla

MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax.

Kasama si Ali sa pelikulang Ligaw na mapapanood sa May 9 sa direksiyon ni Omar Deroca.

Makakasama nito sa Ligaw sina Robb Guinto po, JC Tan, at Rash Flores.

Ayon nga kay Ali tungkol sa role niya sa Ligaw, “‘Yung role ko po rito (Ligaw)  ay si Jayron, young mountaineer tapos na in love po ako sa nakilala kong babae sa bundok, na si Dolores (Robb Guinto ), pero hindi ko po alam na may asawa pala siya tapos ibibigay ko po lahat ng mga kailangan niya and doon na po iikot ‘yung mismong kwento.”

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Ali ang Alapaap, Domme, Hibang, Pintor at Paraluman, Japino, Hosto, Kara Krus, Tag – Init, Pantasya ni Tami.

At sa mga nagawa niyang pelikula ay sobrang challenging ang role niya sa Alapaap, Pintor at Paraluman, at Hibang.

Grabe ‘yung sa ‘Alapaap’ may pagka-gore and crazy na attack more on acting din po. Sa ‘Pintor at Paraluman’ more on acting din pero fantasy naman and todo emotions ‘yung ipinakikita ang twist po is bawal kami humawak niyong kasama ko pong lead na girl kaya medyo challenging po ‘yung role.

“Tapos sa ‘Hibang’ more on iyakan at baliw din ‘yung role ko po rito, kaya medyo mahirap din sya.”

Wala itong limitasyon sa paghuhubad sa pelikula as long as kailangan sa movie.

“Sa akin art siya eh, kung maganda ‘yung story and maganda ‘yung mismong role at kailangan gawin ‘yung paghuhubad gagawin ko po kung kailangan talaga sa story.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …