Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Got to Believe” nina Kathryn at Daniel sa sobrang ganda di pinalalampas ng televiewers

Tulad ng milyon-milyong viewers ng “Got To Believe” kapag nasa bahay kami ay talagang paborito rin namin panoorin ang teleseryeng ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa sobrang ganda ay patuloy sa pagtaas ang ratings hindi lang sa free channel TV kundi sa iWANT TV rin. Lalo na ngayong parehong naka-focus ang istorya sa buhay estudyante ng dalawang pangunahing character ng toprating teleserye na sina Chichay (Kathryn) at ng señorito at alagang si Joaquin (Daniel). Ang inaabangang selosan factor sa pagitan nina Julianna (Carmina Villaroel) at Betchay (Manilyn Reynes) na ex-girlfriend ng mister na si Jaime (Ian Veneracion) na ngayon ay nagtatrabaho bilang cook ng mag-asawa. Kaya naman pumayag kahit may ilang factor si Betchay na manilbihan kina Julianna at Jaime ay dahil may utang na loob siya dahil pinag-aral nila nang libre ang daughter na si Chichay sa Malaya University. Although wala nang malisya para kay Betchay ang pagiging malapit nila ni Jaime sa isa’t isa. Para kay Julianna ay iba pa rin ang dating nito, pero dahil ayaw niyang magkaroon sila ng problema ng sobra n’yang minamahal na husband ay ‘di na lang s’ya nagsasalita at kinikimkim kung ano ang nararamdaman. Hanggang kailan niya ito makakayanan? Si Chichay na madalas pag-initan ng kaklaseng si Didith (Kristel Fulgar) na minamaliit ang pagkatao n’ya at may pagtingin kay Joaquin, matatagalan ba ng dalaga ang pambu-bully sa kanya ng mga kaibigan ni Didith na wala nang ginawa kundi ang pagmukhain siyang tanga?! Si Joaquin naman ay unti-unti nang ipinapakita kay Chichay ang kanyang totoong nararamdaman pero iwas to death naman sa kanya ang yayang pinagsungitan nang walang habas noon. Maswerte naman si Betchay sa pagkakaroon niya ng mabait at maunawing mister sa katauhan ni Chito Tampipi na ginagampanan ni Benjie Paras. Marami pang pwedeng mangyari sa “Got To Believe,” kaya para ‘di mabitin sa mga eksenang magpapakilig sa inyong gabi. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida ng Kapamilya newtowk pagkatapos ng Juan dela Cruz na magtatapos sa October 25.

EAT BULAGA MAY BAYANIHAN PROJECT RIN PARA SA MGA DABARKADS NA NILINDOL SA VISAYAS

Pagdating sa public service ay hindi tumitigil ang ating EB Dabarkads sa pagdamay at pagtulong sa kapwa. Sa daily segment nga nila na “Juan For All, All For Juan” ay libo-libong residente na sa iba’t ibang Barangay sa loob at labas ng Mega Manila ang mga natulungan nila lalo sa problemang financial. Ngayon nakatutok naman ang Bulaga sa mga Dabarkads na sobrang naapektohan sa lindol sa Bohol at Cebu at ilan pang parte ng Visayas. Kaya para makatulong rin kayo sa kanila magtext nang magtext at iboto ang gusto ninyong EB group na manalo sa Barangay Bayanihan Dabarkads Showdown Edition. Nakatulong na kayo ay may chance pang manalo ng Jersey ni Dabarkads Jose na rubber shoes worth P10,000 at Loius Vuitton na bag ni Dabarkads Ruby at may P10,000 pa ang bawat boto ninyo na ipagkakaloob ng Bulaga sa mga Dabarkads sa Visayas. Si Ryzza Mae Dizon ay nais rin magkawangga sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga outfit na isinusuot niya sa Eat Bulaga at sa kanyang sariling talk show na The Ryzza Mae Show. Kaya ano pa ang inaantay ninyo?! Tayo nang magbayanihan Dabarkads.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …