Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo nakaramdam ng birthday blues: I’m so scared, I’m so lost

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

“I’M turning 29 in a few days. I’m at the point in my life again wherein I feel so lost.” Ito ang inamin ni Kathryn Bernardo sa ginanap na Pilipinas Got Talent mediacon noong Miyerkoles ng hapon. 

Ipagdiriwang ni Kathryn ang ika-29 kaarawan sa March 26 kaya naman tila nakakaramdam ito ng tinatawag na birthday blues. At sa naturang mediacon nakapaglabas ng nararamdaman ang Kapamilya actress at Box-Office Queen. 

I’m turning 29 in a few days. I’m at the point in my life again wherein I feel so lost.

I felt this, I remember, when I gave a message for the thanksgiving party of the ‘Hows of Us’ (blockbuster movie nila ni Daniel Padilla) this was the same feeling.

“To be honest, I’m so scared, I’m so lost but I think it’s so brave na everyday I show up just like what Donny (Pangilinan, isa rin sa bagong judge ng ‘PGT’) said kanina, I show up and I choose to grow and accept all the uncertainties because I don’t know bigla ko lang siya na-feel,” tuloy-tuloy na sabi ni Kathryn na baka nga iyon ang tinatawag na “birthday blues” o “quarter life crisis.”

Parang, what’s next for me? Parang I’m feeling all these emotions. Feeling ko, it’s just brave na tinangap ko ‘yun. I’m allowing myself to be vulnerable, I have my days and hindi ko na ‘yun itinatago sa mga tao,” giit pa ng aktres na napaka-seksi ng araw na iyon sa kasuotang blue dress/gown.

Samantala, tiniyak nina Kathryn, Donny Pangilinan, Eugene Domingo, at dating  ABS-CBN president Freddie “FMG” Garcia, mga hurado ng PGT Season 7 na ihahandog nila sa sambayanang Filipino ang isang bonggang-bonggamg show.

Magsisimula ang reality-talent competition ng ABS-CBN sa March 29 at 30 – Saturday at 8:00 p.m. at Sundays- 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at TV5. This will be hosted by Melai Cantiveros and Robi Domingo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …