Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iza Calzado Dimples Romana The Caretakers

Iza at Dimples nasubok katatagan ng pagiging ina

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUHAY man kayang isakripisyo ng ina para sa mga anak. Ito ang mensaheng ibinabahagi ng eco-horror film ng Regal Entertainment Inc. at Rein Entertainment (Lino Cayetano, Philip King, at Shugo Praico), ang The Caretakers na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana.

Isa kami sa naimbitahan sa Red Carpet Premiere ng The Caretakers na isinagawa sa SM The Block Cinema 3 kahapon, February 24 at na-enjoy namin ang panonood ng pelikulang nakatatakot at mayroong magandang mensahe.

Ang The Caretakers ay ukol sa dalawang ina na gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Isang inang kinailangang ibenta ang isang ancestral house para magamit sa pamilyang niloko ng asawa at isang inang poproteksiyonan ang bahay o gagawin ang lahat ‘wag lang maagaw ang tahanang itinuring na nagkakanlong sa kanyang pamilya.

Ani Dimples, nakare-relate siya sa karakter na ginagampanan niya, si Lydia dahil may tatlo rin siyang anak.

“Bilang isang ina, natututo kang balansehin ang iba’t ibang personalidad at ugali — ang isa ay maaaring walang pigil sa pagsasalita, ang isa ay parang bata. This role made me reflect on if there’s really a right or wrong way to love as a mother.

“May mga bagay na hindi mo aakalain na magagawa mo, ngunit nagpapatuloy ka dahil sa pagmamahal mo sa iyong mga anak,” ani Dimples.

Si Iza naman si Audrey, may dalawang anak. “Dito sa pelikula, ako iyong inang sinusubukang i-secure ang kinabukasan ng mga anak. Mahaharap sa sariling  pakikibaka. Sinusubukang itago ang nangyayari sa kanilang mag-asawa sa mga anak.”

Sinabi naman ng direk Praico, na katulong din sa pagsulat ng pelikula ni John Carlo Pacala, “There’s certain movement to go back sa pinakasimpleng buhay, pinakasimpleng panahon lalo na at sobrang bilis ng modern times. ‘Yung idea na, oo nga ano, kapag tiningnan mo, may something lurking back there. Paabante tayo nang paabente, biglang may hahatak pabalik.”

First time nagkatrabaho sina Iza at Dimples at sinabi ng huli na perfect timing ang pagsasama nila. “Perfect timing na kami ni Iza na magka-work ngayon, hinog na ‘yung pagtatrabaho namin.”

Tiniyak naman ni direk Lino sa amin bago ang panonood ng hapong iyon na matatakot kami. “Nakakatakot, may mga jump scares.”  Na totoo nga dahil makailang beses kaming napatili at nagulat sa ilang mga tagpo.

Kahanga-hanga rin ang ipinakitang pagpapahalaga sa kalikasan ng pelikula. Kasabay din ang pagiging responsable ng mga crew sa lupa. Tiniyak nga nila ang pagiging zero waste habang ginagawa ang pelikula. Katunayan, mula sa 15 trash bags ng basura, nagawa nilang bawasan iyon. Nakipag-ugnayan din kasi sila sa local government units para i-recycle ang ilang mga pwedeng pakinabangan pa tulad ng mga karton, bote. Gumawa rin sila ng sariling compost pit para sa kanilang organic waste.

 “Filipinos need to watch Filipino films to keep our industry alive, to keep our culture alive, and umaasa po kami, nanawagan, at kumakatok sa inyong mga puso at wallet na sana manood kayo ng aming pelikula,” sabi pani Dimples.

Binigyan ng R-13 rating ng MTRCB ang The Caretakers kaya’t mapapanood ito ng mga batang edad 13 pataas simula bukas, February 26.

Bukod kina Iza at Dimples, kasama rin sa pelikula sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erin Espiritu, Inka Magnaye, Erika Clemente, at Jake Taylor at idinirehe ni Shugo Praico.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …