Saturday , April 5 2025
APPCU Robin Padilla

Robin Padilla napipisil ng APPCU para magbida sa Hari sa Hari, Lahi sa Lahi

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKA-VOCAL ng chairman ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) Atty. Raul Lambino, sa pagsasabing si Senator Robin Padilla ang perfect actor para bumida sa 80’s movie na Hari sa Hari, Lahi sa Lahina unang pinagbidahan ng dating aktor na si Vic Vargas.

Ani Lambino, naipabatid na nila kay Robin ang kanilang kagustuhang magbida ito sa pelikula.

May plano talaga to revive the movie. I’m being asked by the Chinese producers and talagang gusto nilang i-revive iyong pelikula. 

“Tinanong nila ako kung sinong pwedeng the best na magbida sa pelikula? At sinabi ko na si Sen Robin Padilla. 

“He will be the best to do this because, well aside from being a good politician he’s a multi-talented awarded actor. And he is a Muslim.

“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim and Sen Robin is also a very avid historical researcher. Nag-aaral talaga,” wika ni Lambino.

Pinuri pa ni Atty Lambino si Robin sa pagiging matalino ng aktor. “I’m very very impressed of Sen Robin’s intellectual capacity. Minamaliit lang kung minsan ang mga artista.” 

Ang Hari sa Hari, Lahi sa Lahi ay ukol kina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di. Ang pelikula ay ipinrodyus ng dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Isinulat at idinirehe ito ni Eddie Romero.

Iginiit pa ni Atty Lambino na Tom Cruise ng Pilipinas si Binoe.

Tatlo ang asawa ng Sultan kaya naman bahala na raw si Robin na pumili kung sino ang gaganap na mga asawa.

Siguradong he will consult Mariel (Rodriguez) pagdating diyan,” anangAPPCU chairman.

Idinagdag pa ng APPCU Chairman na pwede ring si Robin ang magdirehe ng remake ng Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.

Sa kabilang banda, nananawagan ang APPCU para sa 2025 Pinoy nominees na open simula February 26 to March 25, 2025.

Ang nominasyon ayon sa APPCU ay, “Who have made significant contributions to fostering friendly ties and mutual understanding between the Philippines and China.”

Ang mga mananalo ay tatanggap ng trophy, certificate, at prize money sa isang formal ceremony sa June 3, 2025.

Bukod kay Atty Lambino kasama sa paglulunsad ng patimpalak sina APPCU president Sixto Benedictoat Laureate Dr. Rommel Banlaoi, Pangasinan province civil leader George Cham, foreign affairs and security analyst Dr. Lucio Pitlo III, at Kamuning Bakery owner Wilson Flores.

Para sa ibang impormasyon sa nomination process at guidelines, bisitahin ang www.apcu.org.ph/appcu. For inquiries, contact the APPCU Secretariat at appcu@apcu.org.ph or call +639278959126.

Ang Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) ay inilunsad noong 2021 na joint effort ng  Association for Philippines-China Understanding (APCU) at ng Embassy of the People’s Republic of China in the Republic of the Philippines.  Layunin ng APPCU na i-honor ang mga nag-contribute sa pagpapalawig ng mutual understanding at friendship ng mga Pinoy at China, gayundin ng dalawang nation, para hikayatin ang karagdagang suporta para sa at pagtataguyod ng relasyon ng Pilipinas-China.

Ang APPCU ay may tatlong categories: ito ay ang Hall of Fame, Outstanding Contributions, at Major Contributions.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sid Lucero  Kiko Estrada

Kiko Estrada inspired maging action star

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ANG sarap magka-edad sa industriyang ito kung may gaya nina Sid Lucero at Kiko …

Laziz Rustamov Amy Austria Fake Love Tadhana

Int’l model na si Laziz Rustamov napa-inlab si Amy

NAPAKA-SUWERTE naman nitong international model at dating PBB Season 10 Housemate, si Laziz Rustamov dahil nakatrabaho at nakapareha niya …

Willard Cheng

Willard Cheng sasabak sa Agenda ng Bilyonaryo News Channel 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKAKASAMA na nina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb ang batikang mamamahayag na si Willard Cheng sa paghahatid …

Chavit Singson Beyond the Call of Duty

JC pinalitan ni Martin; Manong Chavit kompiyansa sa Beyond the Call of Duty  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINALITAN na ni Martin del Rosario si JC de Vera na isa sa magbibida sana …

Kiko Estrada Lumuhod Ka Sa Lupa

Kiko Estrada isinalba ng Lumuhod Ka Sa Lupa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SOBRA-SOBRA ang papasalamat ni Kiko Estrada na dumating ang proyektong Lumuhod Ka Sa Lupa na …