Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, sobrang apektado ng hiwalayan nila ni Luis

NOONG nakaraang linggo ay pumutok sa blogsite ni DarlaSauler.com na hiwalay na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado na bagamat blind item ay halatang sila dahil sa clue na ang nanay ng aktor ay isang famous actress.

Kaagad namang sinagot nina Jen at Luis ang blind item na hindi totoo kaya’t kaagad namang kinorek ni Darla ang isyu.

Nang kunan din namin ng pahayag ng sandaling iyon si Luis ay sinabi niyang,”nope, siya pa ang date ko sa Aliw Awards.”

Pero nitong Miyerkoles ay muling pumutok ang balitang truliling hiwalay na talaga sina Luis at Jennylyn bagay na ikinataka namin dahil wala pang isang linggong pinabulaanan ng magdyowa ang isyu ay heto na naman.

Kaya kahapon ng umaga ay tinext naming ang manager ni Jennylyn na si Tita Becky Aguila at pagkalipas ng isang oras ay sinagot kami ng, ”true!”

Kaya tinawagan na lang namin ang manager ng aktres para mas malinaw ang usapan namin.

Say nga ni Tita Becky, ”yes it’s true, break na sina Luis at Jen last Monday (October 14) lang,” panimulang sabi sa amin.

At ng hingan na namin ng detalye si Tita Becky ay nakiusap na itong sina Jennylyn at Luis na lang ang tanungin namin.

“Reggs, it is better kung sina Luis at Jen manggaling ang reason kung bakit sila naghiwalay, kasi ayokong madamay and besides, I don’t meddle sa personal life ng mga artista ko, kaya sila na lang ang tanungin mo, please,” katwiran sa amin ng talent manager.

Sobrang naawa ngayon si Tita Becky sa alaga na itinuring siyang pangalawang ina dahil ramdam niyang sobra itong nasaktan.

“Naawa ako kay Jen, I feel for Jen now, Reggs, kasi I know how she truly loves Luis, in fact, magto-two years sila sa October 19 (ngayong araw).

“Sayang, akala ko sila na, kasi nakita ko kung gaano kamahal ni Jen si Luis, si Luis ang pinaka-matindi niyang break-up kasi mahal na mahal niya, mabait kasi si Luis.

“Nakita ko kung gaano rin kamahal ni Luis si Jen, in fact si Luis ang tagapagtanggol ni Jen sa intrigues, inalagaan niya si Jen at talagang nag-grow si Jen kay Luis kaya wala akong masabi kay Luis.

“Ang laki na ng ipinagbago ni Jen ngayon, Reggs, she really change a lot for Luis at malaki ang nagawa ni Luis sa kanya, naging positive ang outlook niya sa buhay,” paliwanag ni Tita Becky.

Nabanggit namin kay Tita Becky na kami rin akala namin ay sina Jen at Luis na dahil magkasundo sila sa maraming bagay at hindi nabalitaang nag-aaway at maging ngayong naghiwalay na ay wala pa ring negatibong lumalabas.

“’Yun nga, maganda ang relasyon nilang dalawa, tahimik, walang gulo and maski ngayong they parted ways, maayos, okay sila,” kuwento ni Tita Becky.

Posible pa kayang magkabalikan sina Luis at Jennylyn, ”I don’t know Reggs, hindi ako nakikiaalam and bakit nangyari? It’s God’s will na lang what’s next to happen,”  katwiran sa amin.

Dagdag pa, ”All I wish for Jen now is to be strong, at I’m sure malalampasan niya, ginagawa niyang busy ang sarili niya now para sa career at para kay Jazz (anak).”
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …