Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga Pinoy, adik sa tattoo

TUTOK lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na ‘Toh ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV para malaman kung bakit ang mga Pinoy ay adik sa pagpapalagay ng tattoo sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa totoo lang, babae’t lalaki, matanda’t bata ay may kani-kanilang dahilan kung bakit suki sila ng mga Pinoy na henyo sa pagdidisenyo ayon sa kanilang kagustuhan at pinatutunayan ng mga ito na ”tattoo is an art form.”

Pang mga young girls naman ang pagdaraos ng Candy fair 2013 na maaari niyang makasayaw at makasabay sa pag-awit ang mga kaibigan. May interbyu naman si Mader Ricky kina Mikoy Mendoza, Ruru Madrid, at Ken Chan na ilalahad nila ang mga istorya na punumpuno ng inspirasyon.

Dahil tag-ulan at malamig, ang idedemo ni Chef Mel Martinez sa segment naCooking with Bunso ay ang kanyang lumpia at broccoli soup.

Sa batang edad ay problema ni Titser Melvin Espineda ang kanyang halos kalbo nang buhok.  Bibigyan-lunas ng GRR TNT ang problema niya. Isang wig na kaibig-ibig ito na gawa sa tunay na buhok ng tao. Noo’y nakilala si Jao Mapa bilang miyembro ng Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana, at Eric Fructuso. Ang mga tinedyer na ito’y nadiskubre ng yumaong starmaker na si Douglas Quijano.

Ipinagpatuloy ng mga kasama ang akting pero niwan ni Jao ang showbiz at itinuloy ang Fine Arts. Marami na siyang exhibits at umani ng paghanga ang kanyang mga ipininta. Bumalik siyang muli sa harap ng camera pero sa ngayo’y mas prioridad niya ang pagpipinta.

Dadalawin natin si Jao sa kanyang studio at ipaliliwanag niya ang mga emosyon at ideang nagtulak sa kanyang gawin ang lahat ng mga obra maestrang naroon.

Sa panahon ng mga kalamidad ay marami ang nagkakasakit. Tunghayan natin ang mga testimoniya ng mga taong uminon ng MX3 capsule, coffee and tea na gaing sa katas ng garcinia magostana. ”Marami sa kanila ang nakakasalba sa sakit at trahedya dahil malakas ang kanilang naturalesa at katawan,” sey ni Mader RR.

Laging abangan ang GRR TNT na produksiyon ng ScriptoVision tuwing Sabado. Marami kayong matututuhan dito tungkol sa kalusugan, kagandahan, at karunungan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …