Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa Central Luzon
Bulacan nangunguna sa tagumpay laban sa kriminalidad

NAKAMIT ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang makabuluhang tagumpay sa kampanya nito laban sa kriminalidad, nang maaresto ang 387 wanted na tao, kabilang ang 70 indibiduwal na nakatalang most wanted, sa mga operasyong isinagawa mula 10 hanggang 26 Enero.

Kabilang sa mga inaresto ang mga indibiduwal na nahaharap sa mabibigat na kaso tulad ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw, at mga paglabag na may kinalaman sa ilegal na droga, na binibigyang-diin ang pangako ng PRO3 sa kaligtasan ng publiko at pagtataguyod ng panuntunan ng batas.

Lumitaw ang Bulacan Police Provincial Office (PPO) bilang nangungunang nag-ambag sa tagumpay na ito, na may 75 pag-aresto na iniugnay sa proactive peacekeeping efforts nito.

Pinuri ni PRO3 Regional Director, P/BGen. Jean Fajardo ang dedikasyon ng pulisya sa pagkakamit ng nasabing milestone.

“Sa loob ng 16 na araw, matagumpay nating nahuli ang 387 wanted persons, kabilang ang 70 sa mga pinakadelikadong kriminal sa rehiyon. Ito ay hindi lamang isang tagumpay para sa pulisya, ngunit isang tagumpay para sa kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan sa Central Luzon,” pahayag ni P/BGen. Fajardo.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa walang humpay na pagpupursige ng PRO3 na subaybayan ang mga takas at isulong ang isang ligtas at mapayapang rehiyon.

Ang PRO 3 ay nananatiling determinado sa kanyang misyon na paglingkuran at protektahan, tinitiyak na ang mga indibiduwal na nagtatangkang umiwas sa hustisya ay mananagot.

“Patuloy nating isulong ang hustisya nang may matatag na pangako at walang sawang magsisikap upang matiyak na walang sinuman ang higit sa batas. Ang ating misyon na protektahan at paglingkuran ay nananatiling matatag gaya ng dati, at hindi tayo magpapapahinga hangga’t ang bawat sulok ng ating rehiyon ay malaya sa banta ng kriminal,” pagpapatuloy ni P/BGen. Fajardo.

Nanawagan rin ang PRO3 top cop sa publiko na suportahan ang mga pagsusumikap ng PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga kriminal na aktibidad sa pamamagitan ng mga opisyal na hotline at community initiatives. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …