Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro Manio, nagbabalik-showbiz sa pelikulang ‘Eroplanong Papel’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG ganda ng pagpasok ng taong 2025 kay Jiro Manio dahil sa kanyang big come back indie film sa ilalim ng Inding-Indie Film Production na may titulong “Eroplanong Papel”. Ito’y mula sa imahinasyon ng batikang artist at director na si Ron Sapinoso at inayos na titik ni Nathaniel Perez.

Ang pelikulang ito ay umiikot sa Bible verse na… Mga Hebreo 3:13[13] Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.

Ayon dito, mas mainam na gumawa nang mabuti ngayon kaysa ipagpabukas pa.

Maraming pinagdaanan si Jiro sa kanyang buhay na hindi rin alam ng mga fans nito. Pero ayon sa aktor, ang yugto ng kanyang buhay ngayon ay patungo sa malaking pagbabago. Isang pagbabago na talagang magbibigay ng leksiyon din sa mga makakapanood ng pelikula.

Ang pelikulang ito ay may malaking pagkakahawig sa totoong buhay. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa lahat ng bumubuo ng proyekto na ito sa ilalim ng talent manager na co-manager ng Star Cinema at NET25 Starkada manager na si direk Ryan Manuel Favis, na executive producer ng pelikula.

Ang mga co-producers na hindi nagdalawang isip suportahan si Jiro sa movie ay sina Marvin Favis na tinaguriang Crypto King sa Youtube, Milo Rivera na siyang ina ni Onemig Bondoc, at Kpan Talent Management ni sir Pete Nogaliza.

Ayon sa kanila, ano man ang nakaraan ni Jiro ay hindi dapat sukuan at sa halip ay bigyan ng pag-asa na makabangon. Ang mga gaya ni Jiro ay hindi sumuko sa mga pagsubok kahit na sobrang hirap. Bagkus hinarap nya ito ng may pananalig sa Diyos at sa tulong din ng kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan nito sa Inding-Indie.

Nakatakdang kunan ang pelikula sa La Vista Pansol Resort sa Laguna na suportado nito ang proyekto ni Jiro. Suportado ito ng Red Cross Quezon city at ni direk Tom Mariano para sa Youth Partylist o Adbokasiya ng mga Kabataan.

Makakakasama nito ang mga baguhang talents na sina Princess Johns, Rayesha Peiris, Bianca Donor, Jhun Sio, Patricia Perla, at Daniel Briones. Ang mga talent na ito ay mgabaguhan na sumailalim sa acting workshop na mapalad na makakasama ni Jiro sa pelikula.

Ayon sa kanilang manager na si direk Ryan, kahit maging support ka lang, extra o bida sa movie ni Jiro, ang mapasama ka sa cast nito ay isang malaking karangalan dahil si Jiro ay isang malaking artista na ginawaran bilang Gawad Urian Best Actor sa bansa.

Samantala kasama rin sa cast sina Zach Francisco ng Net 25 Starkada, Rhy TV na sikat sa Youtube, Razzid Eusebio, Lyra Zafra ng Inding-Indie at Ballpointman na suportado ng ofw.

Inaasahan na ipalalabas ito sa Film Development Council of the Philippines sa April 7, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …